Anak ng isang mag sasaka at tindera nakakuha ng full scholarship sa bansang Amerika

 

Ang isang taong may dedikasyon at pangarap para sa kaniyang sarili at sa pamilya ay kailanman hindi pang hihinaan ng loob para maabot ang mga minimithing pangarap nito kahit na ano paman ang pag daanan ay tiyak na susuungin para lamang ito ay mapagtagumpayan.

Photo from: Google


At muli isang pinoy nanaman ang nag patunay na hindi hadlang ang kahirapan sa buhay para lamang ikaw ay pang hinaan ng loob na umusad sa iyong buhay, ito ay kuwento ng isang Binata na anak ng isang mag sasaka at tindera na nakakuha ng isang FULL SCHOLARSHIP sa bansang Amerika.

Kilalanin natin si Gelbert Cresencio, sila ay nakatira sa Bohol, gaya nga ng nasaad isa siyang anak ng magsasaka at tindera, at dahil nga sa kahirapan ng buhay alam ni Gelbert na hindi kayang supportahan ng kaniyang mga magulang ang kaniyang pag-aaral, dahil nga sa maliit lang ang kinkita ng kaniyang mga magulang, ang Ina niya ay isang staff sa isang tindahan sa kanilang lugar, at ang kaniyang ama naman ay nag sasaka lamang at kung minsan ay nag sisideline itong maging tricycle driver.

Kaya naman noong ito ay makapag tapos ng kaniyang Senior Highschool, dito narin pinag sabay ni Gelbert ang kaniyang pagtatrabaho at pag apply sa Scholarship sa Amherst College sa bansang Amerika, at hindi nga nabigo dito ang binata ng makuha siya bilang iskolar ng kaniyang inapplyan. Ang kaniyang iskolarship ay may katumbas na 4M Pesos na financial aid, kasama narin rito ang libreng pagkain at tirahan nito sa Amerika.

Ayon naman sa panayam kay Gelbert pangarap nito na maging isang Neuro Scientist at Neuro Surgeon, kaya ito ay nag sumikap ng husto para makapasa sa kaniyang pinasukan na iskolarship. Naging inspirasyon ni Gelbert ang kaniyang lolo na pumanaw sa sakit na Alzheimer’s disease. At gusto rin nito makaimbento ng isang gadget na makakapag detect ng early stage ng Alzheimer’s para habang maaga pa ito ay maagapan agad.

Photo from: Google


At dahil nga sa pag sisikap nito at pag susunog ng kilay para lamang maabot ang kaniyang mga pangarap, ngayon ay abot kamay na ito ni Gelbert ng makapasa siya sa kaniyang inapplyan, na kahit hikahos sa buhay ang kaniyang pamilya ay nagawan niya ito ng paraan para unti unting maabot ang kaniyang pangarap sa buhay, isang magandang inspirasyon si Gelbert sa mga kabataan mahirap man o mayaman na walang makakapigil sa ating mga pangarap kundi ang sarili lang natin, kaya kung may pangarap tayo na gustong makamtan ito ay ipaglaban natin wag tayong sumuko sa mga hamon sa ating buhay.

Tandaan natin na ang limitasyon natin ay ang ating sarili lamang, lumabas tayo sa ating comfort zone. At mag lakbay tayo kasama ang ating mga pangarap, pa unti unti hindi natin namamalayan abot kamay na natin ito.

Post a Comment

0 Comments

Contact Us

Name

Email *

Message *

Blog Archive

Search This Blog