Anak ng isang mangingisda nakapagtapos bilang Magna Cum Laude sa isang unibersidad sa CEBU!

  

Bilang isang magulang isa sa mga pangarap nila ay ang makita nila ang kanilang anak na makapagtapos ng pag-aaral. Ngunit sa pahirap na pahirap na buhay na tinatamasa ng karamihan, marami sa mga ito ang hindi na kayang  sustentohan ang pag-aaral ng kanilang mga anak sa kolehiyo hanggang ang iba sa mga ito’y tuluyang hindi na makapagtapos. Kayat maituturing na maswerte ang ibang mga kabataan na nabibigyan ng pagkakataon na makapag tapos ng kolehiyo, dahil mas mataas ang opurtunidad nitong makahanap ng magandang tarabaho para sa kanilang kinabukasan.

Marami rami narin tayong nabasa at nakita na mga estudyanteng nakapag tapos kahit na sila’y hikahos sa buhay, at sila ay nakapag bigay ng inspirason sa mga kabataang nawawalan na ng pag-asang makapag tapos dahil sa hirap ng buhay.

Photo from Regine Villamejor


                Sabi nga nila walang imposible sa isang taong may pangarap sa buhay. Kagaya na lamang ng kuwento ng buhay ni Regine  Villamor, 20 taong gulang na nag mula sa Cebu. Siya ang isa sa nag patunay na hindi naging hadlang ang kahirapan upang ito’y makapag-aral at makapag tapos ng kolehiyo.

               

Photo From Regine Villamejor

                At dahil sa hirap na kanilang dinanas naging inspirasyon ni Regine ang kaniyang pamilya upang siya ay makapag tapos ng kaniyang pag-aaral at maisakatuparan ang kaniyang mga pangarap.

                Hindi lang basta basta basta nakapagtapos ng kolehiyo ang dalaga,  siya lang naman nag tapos na Magna Cum Laude sa kaniyang paaralan  sa University of  Jose-Recoletos, Cebu City.

                Ayon naman kay Regine isa pangunahing pinag kukunan nila ng kita ay ang pangingisda ng kaniyang ama. Na kapag masungit ang panahon hindi makapalaot ang kaniyang ama,  at kung swerte naman ang mga ito malaki laki rin umano ang kita nila. Nilalako ng kaniyang nanay ang mga nahuling isda ng kaniyang ama. At pag dating naman nito galing paaralan ay agad agad naman itong tumutulong sa kaniyang inay para maka tulong sa pag tinda.

                Kahit na ganoon ang sitwasyon ng kanilang buhay ay proud na proud naman si Regine sa kaniyang pamilya, na kahit kakarampot lang ang kita, ito ay ginawan ng paraan ng kaniyang magulang para ito makapag-aral at makapagtapos.

                At dahil nga isang outstanding student itong si Regine at matataas ang mga marka nito sa unibersidad, binigyan ito ng 50% discount para sa kaniyang matrikula.

                Ang paglalakbay ni Regine sa kolehiyo ay hindi naging madali, sapagkat kailangan niyang mangupahan ng bahay at malayo sa kaniyang pamilya, kahit mahirap ito para sa kaniya tiniis niya ang lahat ng ito para sa kaniyang mga pangarap. Kwento niya pa na kapag siya ay nalulungkot o pinang hihinaan ng loob, tinitingnan niya ang letrato ng kaniyang buong pamilya na kaniyang idinikit sa kaniyang kwarto. Ito ang naging hugutan niya ng lakas para patuloy na lumaban.

Photo from Regine Villamejor


                Si Regine Villamejor ay nag tapos sa kursong Bachelor of Arts in Liberal Arts and Commerce major in Communication ang Marketing sa University of  Jose – Recoletos sa Cebu.

                Maging inspirasyon sana ang kuwentong ito ni Regine sa mga kabataang nararanasan ang ganitong sitwasyon! Wag kang sumuko, bagkus gawing itong inspirasyon para ika’y lalong maging mas matatag at lalong mag sumikap na makapagtapos ng iyong pag-aaral.

 

               

 

 

Comments