Anak ng isang pedicab driver nag tapos bilang Magna Cum Laude!

 

Ang pagiging magulang  ay isang papel sa buhay na mahirap gamapanan, narito yung iniisip mo ang kinabukasan ng iyong pamilya, kung mapapag tapos mo ba sila ng pag-aaral o hindi kaya’y mabigyan ng magandang buhay, lalo na sa panahon ngayon na pahirap ng pahirap ang ekonomiya ng bansa, halimbawa na nito ang mga bilihin na pataas ng pataas ang mga presyo at mababang pasahod sa mga empleyado.


Photo from: Sandra Estefani Ramos

Sa panahon ngayon kung ika’y kapos sa buhay, halos lahat ng kahirapan ay pag daraanan mo, andiyan ang mga pagsubok sa buhay na kailangan mo harapin at mga kabiguang kailangan mong ipanalo para lang maabot ang iyong inaasam na pangarap.

Nitong kamakailan lang ay may isang anak nanaman ang nag bigay ng inspirasyon sa ating mga Pilipino na kahit na hikahos sa buhay ay tuloy lang ang laban patungo sa minimithing pangarap. Narito ang kuwento ng isang Pedicab driver na naipag tapos ang kaniyang anak sa kolehiyo.

Photo from: Sandra Estefani Ramos

Alam naman natin lahat na ang kinikita ng isang pedicab driver ay hindi kalakihan, pero hindi ito naging hadlang sa isang ama na kahit na maliit lang kinikita sa pag papadyak ay mabigyan ng magandang buhay ang pamilya. Katuwang ng kaniyang asawa ay napag tapos nila ang kanilang anak na si Sandra Estefani Ramos.

Sila ay nakatira sa Magarao, Camarines Sur, dahil nga sa dala ng kahirapan sa buhay nang mabigyan ng pagkakataon na makapag aral sa kolehiyo si Sandra, hindi niya hinayaang mabalewala ang pinag paguran ng kaniyang mga magulang, nag sumikap ito at ginawang inspirasyon ang pamilya para makapagtapos ito ng pag-aaral. At hindi lang basta basta na tinapos ni Sandra ang kaniyang pag-aaral naka kuha pa ito ng award na Magna Cum Laude!!!!!

Photo from: Sandra Estefani Ramos


Nang dumating na ang araw na pinakahihintay ni Sandra, proud na proud nitong sinabi sa ama na “Pa, ihatod mo na po ang Magna Cum Laude mong aki gamit ang satong padyak” - Pa, ihatod mo na ang iyong Magna Cum Laude na anak gamit ang ating padyak.

Saad pa nito sa kaniyang interview na hindi niya ni minsan kinahiya ang kaniyang ama, at proud na proud ito sa kaniya, na kung nakikita niya nga raw ito sa terminal ay niyayakap niya ang kaniyang ama.

Dagdag pa ni Sandra na strikto, masiyahin at masipag ang kaniyang ama, kasi maaga pa lang ay umaalis na ang kaniyang ama at gabi na ito uuwi, o kaya kung matumal mag aantay ang kaniyang ama na maka kota muna bago ito umuwi sa kanilang pamilya.

Photo from: Sandra Estefani Ramos

“I am proud that my father is a pedicab driver, and indeed he is the true MAGNA CUM LAUDE, and all GLORY to GOD” – saad ni Sandra sa kaniyang facebook post na nag viral.

Bilang isang anak hindi pinabayaan ni Sandra na masawalang bahala lang ang sakripisyo ng kaniyang mga magulang para sa kaniya, kaya nag sumikap ito at nag aral ng mabuti para maibigay para makamit nito ang mga pangarap ng kaniyang mga magulang para sa kaniya. Hindi maitatanggi ang saya na na nararamdaman ng kaniyang mga magulang, dahil ang kanilang hirap at mga sakripisyo para kay Sandra ay nasuklian ng higit pa sa kanilang inaasam.

 

 

Post a Comment

0 Comments

Contact Us

Name

Email *

Message *

Blog Archive

Search This Blog