Ika nga ng ating
pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na “Ang kabataaan ang pag-asa ng bayan”.
Kung kaya’t sila'y nililinang para maiangat sa kahirapan ang ating bansa.
![]() |
Photo from Tura Nicole Maloco's Facebook Account |
Marahil maraming
nakakapansin na halos karamihan sa mga bata ngayon ay hindi na nakakapag-aral, dahil
sa hirap ng buhay at ang iba’y iniwan na ng mga magulang at nag palaboy laboy
na lamang ang mga ito.
Kaya kung ikaw ay nakakapag-aral ikaw ay pinag palang
lubos sapagkat habang ika’y nag-aaral marami
kang natutunan at magagamit mo ito hanggang sa pag-tanda mo, kumpara sa mga
kabataang hindi makapag-aral ang tanging nasa isip lang nila ay kung pano nila
maidaraos ang isang araw nang hindi sila nagugutom.
Usap-usapan
ngayon sa social media ang larawang ng isang batang lalake na tila seryosong
seryoso ito sa pag babasa ng isang librong kaniyang napulot sa tabi ng
basurahan. Ibinahagi ito ni Tyra Nicole Maloco sa kaniyang social media sa
facebook. Habang papasakay umano si Tyra sa jeep, naka agaw ng kaniyang pansin ang
isang batang nag babasa ng libro sa gilid ng Ramon Q. Avenceña Hall of Justice
sa Bonifacio Dr, City proper ng Iloilo.
Kung pag mamasdang
ng maigi ang letrato tila bang gustong gusto ng bata ang kaniyang binabasa at
naiintindihan niya ang mga ito. Kung kaya’t ito ay kinuhaan ni Tyra ng picture
at pinost sa facebook, na tila ba siya ay napahanga ng bata sa determinasiyon
nitong matuto.
Kaya hindi nag
dalawang isip si Tyra na ipost ito sa kaniyang social media sa facebook ay
upang maging isnpirasyon ito sa mga batang pinag-aaral ng kanilang mga
magulang. “Inside every self-made man there’s a poor boy who always follow his
dreams.” – Tyra Nicole Maloco.
Marami sa mga netizens
ang hindi mapigilang humanga sa ipinakita ng batang pag pursige sa kaniyang kagustuhang
matuto , na kahit na ang librong kaniyang binabasa ay kaniya lamang napulot sa
basurahan, ito’y kaniyang pinag tsatsagaang basahin.
Hiling ng
karamihan sa nakakita at nag share ng picture ng batang ito, na sana’y mabigyan
ng tamang edukasyong ang bata para mas mapalawig pa ang kaniyang kaalaman sa
mundo na kaniyang ginagalawan.
Marami rin sa
mga netizens ang nag tatanong kung saan ito matatagpuan para kahit papano ito’y
mabigyan nila ng tulong.
Lagi nating
tatandaan na pag dating sa edukasyon wala itong pinipiling estado ng buhay para
ika’y makapag aral, kahit gano ka pa kayaman o kahirap kung ika’y may determinasyong
matuto walang makakahadlang sa iyo kahit ano pa man ang iyong kinakaharap sa
buhay.
0 Comments