Beauty Queen noon, SUNDALO na ngayon!!

 

Kung noong unang panahon ay ang mga trabahong panlalake ay para sa lalake lamang, at ang mga kababaihan ay nasa tahanan lamang. Sa bawat taong lumilipas ay tila ba nawala na ang tradisyong ito, marami na sa mga kababaihan ang nakukuhang kunin o gawin ang mga trabahong pang lalake at naging matagumpay sila sa kanilang piniling karera.

Photo from: Zahra Bianca Saldua

Isang magandang halimbawa nalang ang dating Beauty Queen na si Zahra Bianca Saldua na kinoronahan noon bilang Miss Air Philippines 2018, na pinatunayan na hindi lang pang beauty pageant ang kaniyang ganda.

Photo from:Zahra Bianca Saldua

Pinatunayan ng dating Beauty Queen na hindi lang ganda at talino ang kaniyang maipagmamalaki, sapagkat natupad rin ang kaniyang pinapangarap na mapabilang sa Philippine Army Reserve Force. Hindi makakaila ang tibay at lakas ng loob nito ni Zahra, sapagkat sa training palang ng pagiging isang sundalo marami ng kalalkihan ang sumuko at hindi na tumuloy pa rito.

Photo from:Zahra Bianca Saldua

Sa pahayag naman ni Zahra, na noong nag-aaral pa lamang ito, pangarap na nitong makatulong sa ating mga kababayan at mag trabaho bilang isang Philippine Army, saad pa nito na noong nag-aaral palang umano ito ng kolehiyo naging parte din umano siya ng ROTC, kaya nagamit niya rin ito sa kaniyang pagtupad sa pangarap nitong maging sundalo.

Photo from:Zahra Bianca Saldua

“Since I was in college being part of ROTC, I always wanted to help people and I want to be part of future of the Philippine Army being it’s representative to the public” -Zahra

Kwento rin ni Zahra na naging host din umano siya ng mga army sa loob ng 3 tao sa mga event nito, at dito niya nakita ang pag mamahal nito sa bansa at sa mga taong nasasakupan nito. Dagdag niya pa na natupad niya na ang kaniyang pangarap at yun ay ang makapasok sa pagiging sundalo, at umaasa ito maging inspirasyon ito sa mga kabataan at sa kaniyang mga kababayan.

“I have been with the army for 3 years as their host for many events and saw the love they have for the country and its people. This is a dream come true and I hope I can influence more youth to the people as well”- Saad nito sa kaniyang isang post sa social media.

Photo from:Zahra Bianca Saldua

Naging aktibong miyembro ng Philippine Army Reserve Force si Zahra at ngayon ang kaniyang ranggo ay 2nd Lieutenant. Pinasalmatan din ni Bianca ang lahat ng opisyal sa Philippine Army na tumulong sa kaniya para makamit ang kaniyang inaasam na pangarap na mapabilang sa mga ito. Pinasalamatan rin ng dalaga ang lahat ng mga sumuporta at naniwala sa kaniya sa pag pasok niya sa pagka sundalo. Kung kaya’t napagtagumpayan niya kung ano man ang meron siya ngayon.

 

 

 

 

Comments