CONG TV at James Reid nag sama na sa isang frame sa video. Law of attraction ni Cong nag katotoo nga!

PAAAWEEER!! Wazzap mga Chicken feet Gang!

Mga katagang pag narinig mo ay mapapasabi ka nalang uyy CongTV yan ah.


Photo Credits from James Reid's instagram, and Cong and Junnie's Facebook page

 

Si Lincoln Velasquez o mas kilala natin sa tawag na CongTV ay isa sa pinaka sikat na content creator ng YouTube sa Pilipinas.

 

Photo Credits from CongTv's official facebook page

Kung napanood niyo ang isa sa mga vlog ni cong tv maalala natin na may sinabi siya papatungko kay James Reid nag balang araw mag kakasama sila sa isang frame ng isang video!!

 

At ayon nga pinatunayan ni Cong Tv na totoo nga ang law of attraction. Kung ika’y isang tagahanga ni Cong siguradong napanood niyo na ang inspirational message na ito ni Cong napapatungkol sa law of attraction.

 

Ang pinapangarap na collab ng content creator ay naisakatuparan na. At take note hindi lang sa vlog ni Cong ito mapapanood nasa commercial din ito ng isang sikat na inumin.


 

 

Sa vlog ni Cong ipinasilip nila kung pano ginawa ang shooting sa isang taniyag na brand ng inumin. Makikita dito na nag preprepara ang dalawa sa pag sukat ng damit na susuotin nila sa kanilang shooting.

 

Photo Credits form Junnie Boy's official facebook page

Sa pag papatuloy ng kaniyang vlog sinabi ni Cong na kinakabahan ito para sa kapatid niya, sa dahilan na si Junnie Boy ay nakaupo sa taas ng sasakayan na kung saan sila cong at James ay nasa baba at baka maamoy ni James ang mabahong amoy ng paa ng kaniyang kapatid pabirong sabi ni Cong.

 

Sa kanilang pag bibiruang mag kapatid naisingit nila na si James Reid isang take ok na daw maayos na yung mukha sa kanila namang magkapatid naka 14 takes na daw hindi parin daw makuha ang magandang anggulo kahit na ilagay na sa kanila ang lahat ng ilaw, sabay halakhak sa tawa ang mga ito.

 

    Kung napanood mo nag ang video ng Commercial nila Cong masasabi natin rito na hindi hilaw sa pag acting ang mag kapatid at ang ganda nila tingnan sa screen kasama ang kapamilya actor.  

 

Habang nag pophoto shoot ang mga ito pabirong sinabi ni Cong habang nasa kaniyang tabi si James Reid “Tatalunin namin sa BEST ACTOR si James Reid” hindi talaga maitatago ang taglay na kakulitan ni Cong.

 

Hindi matigil ang tawanan ang ng magkakaibigan habang tintingnan nila ang mga letrato na kuha sa kanila. Na halos sila mismo nilalait ang kanilang mga hitsura. 

 

Dagdag pa ni Cong sa kanilang biruang magkakapatid na Featuring lang daw ang aktor sa kanilang commercial shoot at ang tunay na bida raw ay silang magkapatid. Iba talaga ang confidence ni Cong sa mga ganitong bagay.

 

Photo Credits from James Reid's instagram

Giit din nila Cong at Junnie na effortless lang ang pag aacting para kay James Reid samantalang silang dalawa halos pang Famas na raw ang kanilang mga actingan. Pero nong tiningnan na nila ang resulta ng video nasabi nalang ni Junnie na may mali sa hitsura nila sabay tawanan nanaman ang magkapatid.

 

Photo Credits from Viy Cortez facebook page

Sa pinaka ending ng video naisingit pa  ni Cong na hingian ng Video greeting galing sa kapamilya actor ang kaniyang girlfriend na si Viy Cortez hindi maitago ni Viy ang saya na nararamdaman at zinoom niya pa ito upang mas masilayan ang kaguwapuhan ng aktor, ng binati ito ni James may katagang sinabi ang aktor na Stay in love agad namang bumanat si Viy ng stay in love with whom? With you?


O diba kung gano kakulit si Cong ganon din ang kaniyang Nobya! Kaya sa tagumpay na narating ni Cong laging nasa likod nito si Viy na umaalalay sa kaniya.



Comments