Estudyante, nakapagtapos sa kolehiyo dahil sa kaniyang pag titinda ng Mani at Chich4ron sa kaniyang paaralan.

 

Sa sobrang hirap ng buhay ngayon na ating tinatamasa karamihan sa ating mga kababayan nawawalan na ng pag-asa upang matupad ng kanilang mga pangarap, isa na dito ang mga mag-aaral na mas pinili nalang ang mag hanap buhay kesa ipag patuloy ang kanilang pag-aaral sa kadahilanang hindi na kayang sustentohan ang kanilang mga pangagailangan sa pag-aaral.

Pero kahit na ganito ay may mangilan ngilan ding mga estduyante na kahit sobrang hirap sa buhay ay nakakapag tapos parin ng pag-aaral, sabi nga nila pag may pangarap ka para sa iyong hinaharap lahat gagawin mo para lang ito ay makamtan.

Tampok sa kuwento natin ngayong ang isang mag-aaral na iginapang ang sarili sa pamamagitan ng pag titinda niya sa kaniyang school habang ito ay nag-aaral, kilalanin natin si Jemaima Joy Salas.

Photo from: Google

Ibinihagi ni Jemaima ang kaniyang kuwento  sa kaniyang facebook post ang kaniyang naging tagumpay nang ito ay makapag tapos sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship. Proud na proud din ito na nag pasalamat sa kaniyang mga suki sa pag tinda ng mani at chicharon, dahil malaking tulong ang naiambag nila para matapos nito ang kaniyang kurso sa paaralan ng Laguna University.

Hindi madali ang pinag daanan ni Jemaima sa kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Sa kadahilanang hiwalay na ang kaniyang mga magulang, at wala na ang kaniyang Lola na siyang tumutlong sa kaniya para harapin ang mga pagsubok na kaniyang pinag lalabanan. Kaya dito siya napapaisip kung kakayanin niya bang makapagtapos ng pag-aaral.

Photo from: Google

At dahil nga may pangarap ang dalaga, gumawa ito ng paraan para matulungan ang sarili na matustusan ang kaniyang pag-aaral. Dito niya naisip na mag tinda ng mani at chicharon tuwing wala itong klase at pagka uwian na. Malaking tulong ito sa dalaga para mairaos niya ang kaniyang pangangailangan sa pag araw araw at mabili ang mga kailangan niya sa iskul.

“Malaking tulong sa akin ang pag titinda ko sa iskul, dahil na suportahan niya talaga ako sa  pag-aaral ko” – Jemaima

Sa kaniyang interview sa isang sikat na TV network sa Pilipinas may payo ito sa mga kapuwa niya estudyante na nag nanais na makapagtapos:

              “Sa mga estudyante na nais makapagtapos ng pag-aaral, ang masasabi ko lang sa inyo. Marami kayong pag subok na pag daraanan pero hindi ito hadlang para abutin ang mga pangarap niyo.”

    At nang ito nga ay makapag tapos na ng kaniyang pag-aaral naisipan ni Joy na isama ang kaniyang mga paninda sa kaniyang graduation photo dahil sa kaniyang paglalakbay bilang estudyante sa kolehiyo ito ang kaniyang naging sandigan para ang pangarap ay makamtan.

              Maraming netizens ang natuwa sa naabot ni Jemaima, marami rin dito ang kinabiliban ang determinasyon ng dalaga para ito ay makapag tapos.

              Maging inspirasyon sana ang kuwentong ito ni Jemaima sa ating mga kababayan na pinang hihinaan na ng loob dahil sa kakulangan sa pinansyal.

 

 

Comments