Dahil sa kinakaharap
nating krisis ngayon sa ating bansa epekto ng dala ng pandemya, mas lalo nitong
pinahirap ang kalagayan ng atin bansa, marami ang mga nawalan ng hanap buhay at
marami rin ang lalong mas nag hirap pa, sa panahon ngayon mahirap na iasa natin
ang ating kabuhayan sa ibang tao, kaya’t ang iba ay nag hahanap ng diskarte
upang patuloy na maabot ang kanilang mga pangarap.
![]() |
Photo from: Google |
Sa buhay natin
habang tayo’y namumulat sa kahirapan ng buhay may mga bagay na tayo’y
napapaisip na lamang, andito pumapasok yung isip natin na kailangan sa ganitong
edad meron na tayong naipundar at meron nang sariling bahay at lupa, para kung
mag karoon man ng sariling pamilya ay hindi na mahirapan. Ngunit sa pag-abot
natin sa mga pangarap na ito maraming hadlang at pag subok ang ating haharapin
para lang ito maisakatuparan.
Kilalanin natin
si Patricica Mae Tandas, sa edad na 19 na taong gulang ito ay nakapundar ng
sariling bahay at lupa. Estudyante sa umaga call center agent naman sa gabi.
Sino nga ba ang
mag aakala na sa edad niyang ito ay makakapundar na siya ng kaniyang sariling
bahay at lupa?
Ayon naman kay
Patricia noon una ay ginawa niya lamang ito para makatulong sa kaniyang pamilya,
at mabili ang mga gusto nito para sa kaniyang sarili, pero di kalaunay naisip
ng dalaga nang hihinayang na ito sa mga ginagastos niya at nag isip ito ng
ibang alternatibong pag gagamitan ng kaniyang kita at magagamit niya ito nang
pang matagalan.
Hindi alam ng
Ina ng dalaga na ang sinasabi pala ng kaniyang anak na in the long run ay ang
pag bili ng lupa at bahay.
![]() |
Photo from: Google |
“Papa niya po
ah, ayaw pumayag kasi bat nag mamadali, bat nag mamadali siyang kumuha ng
bahay, ayaw niya na ba dito? May pag lalaanan ako ang sabi naman niya Mama
puwede nating pauapahan yan” saad namang ng kaniyang Ina sa interview sa
kaniya.
Sa edad nga na ito ni Patricia advance na itong mag isip at iniisip na nito ang makakabuti sa kanila para sa hinaharap. Dagdag pa ng ina nito na madiskarte na daw talaga ang anak nila, na kahit nong nag-aaral pa lamang ito ng high school ay mahilig na raw ito mag tinda tinda sa kanilang school.
“Kung wala
namang ibang pinag gagastusan or parang sapat naman yung kinikita nila why not
iinvest mo nalang sa property” – Patricia
![]() |
Photo from: Google |
Dahil sa determinasyon at kalakasan ng loob ni Patricia proud na proud kay Patricia ang kaniyang pamilya.
Sino ba namang
hindi mamamangha sa ganitong pag-iisp kagaya ng kay Patricia na ginamit ang pinag
ipunang pera para mag invest sa mga bagay na pakikinabangan pag dating ng
panahon.
Kapupulutan ng
aral ng karamihan ang istoryang ito ni Patricia, na habang bata pa at sobra
sobra naman ang pera, bakit hindi natin iinvest ang pera para sa ating
hinaharap diba? Kaya sa mga kababayan natin sanaa’y nakapulutan natin ng aral
ang istorya na ito.
0 Comments