Ang kahirapan sa buhay ang isang sanhi kung bakit ang ibang kabataan ay hindi makapag tapos ng kanilang pag-aaral, lalo na’t pahirap ng pahirap ang buhay na ating tinatamasa ngayon sa ating bansa, at dahil sa ganito na nga ang sitwasyon natin sa ating bansa maraming mga kabataan ang ipinag paliban nalang muna ang kanilang pag-aaral.
Kaya mas pinili ng ibang kabataan na mag
trabaho nalang muna kahit na gusto pa nila mag-aral para lang mairaos ang
kanilang pang araw araw.
Photo from: Google
Kilalanin natin si Eric Rosales 28 taong gulang, nag mula siya sa isang mahirap na pamilya. Ang tanging pinag kukunan lang nila ay ang pag sasaka ng kaniyang ama, at ang ina naman nito ay isang simpleng may bahay lamang. Ngunit ang pinag sasakahan ng kaniyang ama ay hindi nila sariling lupain kundi nangungupahan lamang ang mga ito, kaya kahit na maganda ang ani kakaonti parin ang kinkikita nila.
Nag tapos si Eric sa high school noong 2010 at
nag pasya itong mag trabaho bilang isang assistant sa isang super market sa
kanila sa Bukidnon. At taong 2016 naman
nag trabaho ito sa isang gasolinahan bilang isang pump attendant.
At dahil nga may pangarap sa buhay ito si Eric,
ay nang sumunod na taon ay nag desisyon na ito na mag aral ng kolehiyo, at kunin
ang Kursong Criminology, dahil pangarap raw kasi nito maging pulis.
Alam naman nating mahirap pag sabayin ang pag
tatrabaho at ang pag-aaral, kaya hindi naging madali ang paglalakbay ng buhay
ni Erirc sa kolehiyo sa kadahilanang maaga ito pumapasok sa paaralan at
pagkatapos ng kaniyang klase ay didiretso agad ito sa kaniyang pinag tatrabahuan.
Ang trabaho talaga ni Eric ay mag sisimula ng
alas dos hanggang alas dyis ng gabi, pero merong mga pagkakataon na kailangan
niyang mag night shift at mag simula ng 10:00 ng gabi hanggang alas sais ng
umaga, at dahil nga may pasok pa ito, hindi na ito umuuwi sa kanilang bahay at dumideretso
nalang ito sa kanilang paaralan kahit na wala pa itong pahinga galing sa
kaniyang duty.
Photo from: Google
At ng matapos nga nito ang kaniyang pag-aaral, pinasalamatan niya ang kaniyang mga katrabaho at kanilang manager dahil sa tulong ng mga ito nong ito ay nag-aaral pa.
Kahit na nakapag tapos na ito ng kaniyang
pag-aaral, hindi parin huminto si Eric sa kaniyang trabaho sa gasolinahan, sa
kadahilanang nag iipon parin ito ng pera para na gagamitin niya sa kaniyang pag
kuha ng kaniyang Lisensya sa pag ka Pulis.
Photo from: Google
Sa ating mga kabataan na nangangarap parin na
makapag tapos ng kanilang pag-aaral o kaya ay nahihirapan na makamit ang
kanilang mga pangarap, patuloy lang natin na ipag laban ang mga ito, sa likod
ng ating mga sakripisyo at pag sisikap andiyan lang ang tagumpay nag aantay sa
kabilang dulo, maging inspirasyon sana si Eric sa mga kababayan nating nangangarap
na makapag tapos at makamtan ang kanilang pangarap.
Samahan lang natin ng dedikasyon, pag pursige
at kasipagan, tiyak na darating din ang oras mapapasakamay din nating ang
minimithing tagumpay.
0 Comments