Hidilyn Diaz at Eumir Marcial sinalubong ng Heroes Welcome

 

Nakarating na sa kanilang Lalawigan si Hidilyn Diaz at Eumir Marcial nitong Myerkules, Setyembre 1 at binati ito ng Heroes welcome ng mga taga Zamboanga

 

Photos from Google

Matatandaan nating nakasungkit ng Medalya ang dalawang Manlalaro sa Tokyo Olympics na ginanap sa Bansang Japan.

    Si Hidilyn Diaz na nakasungkit ng Gintong Medalya at si Eumir Marcial naman na nakasungkit ng Bronze Medal noong Tokyo Olympics.

 

Pag dating na pag dating ng dalawang Athleta sa Edwin Andrews Air Base na lulan ng Airforce Plane ay agad agaran namang sinalubong ito ng ating mga sundalo at binati ito sa kanilang pagka panalo.

 

Lingid sa kaalama natin ay myembro ng Airforce ang dalawang athleta at sila ay may mga katungkulan sa Airforce.

Si Hidilyn Diaz ay isang Staff Sergeant at si Eumir Marcial ay isang Seargeant.

 

Ang dalawa ay pinanganak sa Zamboanga. Kung kayat sa kanilang pag uwi ng Medalya ay pinasalubungan ito ng Heroes Welcome.

 

Si Hidilyn Diaz ay nakatira sa Barangay Mampang at si Eumir Marcial naman ay sa Barangay Lunzuran.

 

Sa kanilang pag dating sa kanilang  Syudad. Agad agarang nag daos naman sila ng Motorcade upang masilayan sila ng kanilang taga hanga at makapag pasalamat sila sa supporta na ibinigay sa kanila ng kanilang mga taga hanga.

 

Pinayagan ng IATF ang motorcade sa kasunduang hindi lalagpas sa 40 na katao ang lalahok sa naturang event at walang tao sa mga kalsada.

 

Ito ay naging hamon sa mga Pulisya sapagkat maraming mga taga hanga ang gustong makita si Hidilyn at Eumir sa kanilang parada.

    Pero ito ay napagtagumpayan ng mga Pulisya sa pag daos ng tamang plano at pakikiusap sa mga tao.

 

    Sa city hall ng Zamboanga kasama ng kanilang mga magulang. Iginawad ni Mayora Maria Isabelle Climaco ang kanilang mga Parangal.

 

Dito na ibinigay ang kanilang mga premyo sa pagkapanalo kung saan natanggap ni Hidilyn Diaz ang 2.5 million Pesos at 1.2 million Pesos naman kay Eumir Marcial.

 

Maituturing na ang kanilang pagka panalo ay mag mamarka sa historya ng ating bansa. Kung saan dito tayo nag tala ng pinaka maraming medalya na naiuwi sa Olympics.

 

At kung saan nakauwi tayo ng isang Gintong Medalya. Ito ang kauna unahang Gintong medalya na nakuha natin sa mga Olympics na nag daan. Kahit na marming hamon ang dumating sa buhay ni Hidilyn hindi ito naging hadlang upang makuha niya ang Gintong Medalya.

 

    At maging Inspirasyon pa sana ang dalawang ito at iba pang mga manlalaro na nakakuha ng medalya, sa ibang mga manlalaro na na nangangarap na makapaglaro sa mga International Tournaments! Lahat ng bagay ay makakamit sa sikap at tiyaga.

 

 

Comments

Post a Comment