Hindi naging hadlang sa Rider na ito ang kaniyang kapansanan, bagkus lalo pa itong nag sumikap!

Photo from: Avril


Ang pagkakaroon ng kapansanan ay hindi madaling pag subok sa ating buhay, hindi man natin ito ginusto o kusang dumating ito sa ating buhay, hindi parin tumitigil ang pag ikot ng mundo para tayo’y mamuhay ng mapayapa nang walang inaapakang tao.

Usap usapan ngayon sa social media ang letrato ng kumakalat na delivery rider na kahit ito ay may kakulangan sa katawan, patuloy parin itong kumakayod para sa kaniyang pamilya  masuportahan lamang ang pangangailangan ng mga ito.

Photo from: Avril


Sa larawan na nag viral na inupload naman ni Avril ay makikita na bakal na ang isang paa ng rider.

Marami ang humanga na netizen sa tatay na rider dahil sa kasipagan nito, na kahit ito ay isang PWD ay nag susumikap parin ito para sa kaniyang pamilya.

Photo from: Avril

“shout out kay tatay na napahanga ako ngayong araw..eto ang tunay na masipag at madiskarte,lumalaban sa buhay kahit mahirap ang panahon ngayon dahil sa pandemic...saludo ako sayo tatay kahit na ganyang kalagayan mo hirap ka maglakad diretso kpa din sa pag tatrabaho,kng mapapansin nyo po bakal po ang kaliwang side ng paa ni tatay,..kaya hrap po sya tumayo.....at kahit mabgat po ang pinadeliver ko na dimsum di po sya nag cancel di ko din po kase expected na ganun po kalagayan ni tatay...basta tatay salute ako sayo   ” -Avril

Sa panayam naman ng isang sikat na Motor Page sa Pilipinas, dito inilahad ni Mang Rodrigo kung pano siya lumalaban sa hamon ng buhay sa araw araw.

“ Ang pagiging delivery driver masarap na mahirap, masarap kung kumikita ka, mahirap kasi lagi kang nasa kalsada nauulanan ka, naarawan ka hindi mo alam kung makakuha ka ng mga katulad niyan ng mga virus yan yung mga nakakatakot. So far naman wala ka namang choice pagiging lalamove driver kailangan mo lang talaga mag pickup ng order at wala kang choice don, minsan sa byahe di mo alam e, minsan ngayong araw na to sobrang swerte ka maraming pumapasok  na booking, minsan naman sobrang malas dahil natapat ka mahina signal doon sa area mo walang nag bobooking doon sa area”  saad ni Mang Rodrigo at dagdag pa nito na swerethan lang daw kung minsan at pasipagan nalang.

Giit pa ng rider na ang inspirasyon niya sa kaniyang pagiging rider ay ang kaniyang pamilya, sila umano ang nag bibigay ng lakas kay Rodrigo para kahit papano gumawa ito ng paraan, at dagdag pa nito na hindi siya puwedeng umasa sa ibang tao, dahil meron itong sariling pamilya. 

Itong kaniyang kapansanan pala ay hindi inborn, ikuwenento niya rin dito na noong 2020 muntik na raw siya  makabangga ng sasakyan hindi niya man ito tuluyang nabangga , dahil sa lakas ng pag apak niya sa preno ng kaniyang motorsiklo lumusot umano ito at dito na nasagutan ang kaniyang paa. At nabaha pa umano ito at doon na nag simula ang impeksyon sa kaniyang paa, hindi niya raw ito ininda nong una hanggang sa lumala ito at na bed ridden ito ng isang buwan hanggang sa ito’y na ospital at tuluyan ng naputol ang kaniyang kanang paa.

Naging inspirasyon din umano ni Mang Rodrigo ang mga kapwa niyang PWD’s kung saan nakakadagdag ito ng Moral para sa kaniya. “Pag gusto may paraan, pag ayaw maraming dahilan” pag gusto mo pag sisikapan mo, at mas marami umano ang paraan kaysa sa mga dahilan.

“Malaki ang pasasalamat ko sa mga nagiging costumer ko at naiintindihan nila ang kalagayan ko. Sabi nga nila nakakabilib daw ako. Kung ano yung kaya mong gawin at kumikita ka, gawin mo yon. Isa lang kasi ang motto ko sa buhay, Pag gusto may paraan.” -Rodrigo


Comments