Inipong 10,000 Pesos mula sa kaniyang trabaho nakapag pagawa ng sariling bahay at tindahan!

 

Sa hirap ng buhay ngayon, dapat ay marunong na tayo dumiskarte habang bata pa, at habang nag tatrabaho ay pa unti unting mag ipon para sa hinaharap. Ang isa sa pinaka magandang pag pundaran ng mga naipon ay isang bahay.

 

Photo from: Jeypee Gervacio
      

Ang pagpupundar ng isang tahanan ay napakalaking achievement sa bawat isang indibidwal, kasi pag ikaw ay nag karoon na ng sariling pamilya hindi ka na mahihirapan mangupahan pa, at mababawasan ang isipin mo sa mga bayarin buwan buwan. Kinagandahan pa nito kapag may sarili ka ng bahay at bumukod ka na sa iyong mga magulang, mag kakaroon ka ng sariling Privacy at dito narin kayo matuto na tumayo sa sariling paa.

Photo from:Jeypee Gervacio
 

Ngunit sa hirap nga ng buhay ngayon, marami sa ating ang nag sasabi na mahirap mag pagawa ng bahay, kasi bawat taon ay pataas ng pataas ang mga materyales na ginagamit para sa pagpaptayo nito.

Tunghayan natin ang kwento ng isang binatang lalake na nakapag pundar ng sarili niyang bahay sa halagang 10k pesos lamang. Kilalanin natin si Jeypee Gervacio.

 

Photo from:Jeypee Gervacio

 

Para kay Jeypee walang imposible kung talagang gugustuhin mong maabot ang isang pangarap, sa kaniyang social media post sa facebook ay ipinasilip ng binata ang kaniyang simpleng tahanan. Sa post na ito ng binata hindi lang ang hitsura ng tapos na bahay ang kaniyang inilakip kundi rin mismo ang progreso nito nong nag sisimula pa lamang ito

Photo from:Jeypee Gervacio
  

Sa tahanang ito ni Jeypee ay isinama narin dito ng binata ang kaniyang munting negosyo, para kahit na nakaupo lang umano sa kaniyang bahay ay kumikita parin ito.  Kung susumahin umabot ng 10,000 pesos ang nailabas na pera ni Jeypee para lang sa kaniyang pangarap na bahay, at hindi lang yun sa pera na budget niya kasama na dito ang puhunan niya sa kaniyang munting tindahan.

“Bagong buhay bagong bahay, Thanks Lord sa blessings. Bunga ng pag tyatyaga deliver doon deliver dito tinda doon tinda dito simple pero malaking bagay”- Jeypee Gervacio

Marami sa ating mga kababayan ang nangangarap na magkaroon ng sariling tahanan, pero dahil kapos ang iba sa pera kahit anong kagustuhan nilang maisakatuparan ang pag papagawa ng bahay hindi parin ito matuloy tuloy , meron namang iba na natatakot makipag sapalaran.

Photo from:Jeypee Gervacio
  

    Gawing inspirasyon si Jeypee, sabi nga ng mga netizens na nag comment sa kaniyang post na ito, dahil nga sa ganitong edad ng binate ay naisip niya na makapag patayo ng sariling bahay at negosyo. Kaya sa mga nangangarap na mag karoon ng sariling tahanan, wag tayong titigil na mangarap, at gawin itong inspirasyon, doblehin natin ang ating sipag  at hindi natin mamamalayan na lahat ng pagod at sakripisyo na itinanim natin ay bubunga na lamang ng naaayon sa ating kagustuhan.

Samahan lang nating ng sipag at pag tyatyaga ang ating mga pangarap. Tiyak na sa dulo nito doon na nag aantay ang kapalit ng ating mga sakripisyo.Hindi man natin ito maabot ng agad agaran, darating din ang panahon na maisasakatuparan din natin ang pangarap na ating minimithi.

Post a Comment

0 Comments

Contact Us

Name

Email *

Message *

Blog Archive

Search This Blog