Hanggang kailan nga ba natatapos ang responsibilidad ng
isang Magulang? Kapag ba maunlad na estado ng mga anak, o di kaya’y may kaniya kaniya
na itong buhay? Kahit ano pa yan, hinding hindi natatapos ang responsibilidad
ng isang magulang sa kanilang anak. Hanggat kaya pa nila, hinding hindi sila
titigil sa pag gabay sa ating mga anak.
Photo Credits from Chee Prebitero''s Facebook
Kilalanin natin si Nanay Erlie. Sa isang post ni Chee
Presbitero sa kaniyang social media sa facebook ipinakilala niya si Nanay Erlie,
74 taong gulang.
Sa edad na ito ni Nanay ay hindi niya alintana ang
edad at hirap ng trabaho upang matustusan lamang ang araw araw na pangangailangan
nila ng kaniyang anak.
Photo Credits from Chee Presbitero's Facebook
Tanging pangagalakal na lamang ang kinabubuhay ni nanay
Erlie, umaasa nalang ito sa mga bigay na kalakal at konting barya ng kaniyang
mga kapitbahay, sa kadahilanang hirap narin ito pumunta sa malayo upang mag
hanap ng ibang basurang kakalakalin.
Kahit na kakarampot lang ang kita ng Ina ay pilit niya
itong pinag kakasya para lang mabili ang diaper at gamot ng may sakit na anak.
Dahil matanda na si nanay Erlie marahil nahihirapan
narin ito mangalakal, kaya nakikusap ito kay Chee na kunan siya ng letrato at iupload
sa facebook upang humingi ng tulong sa ating
mga kababayan.
Sa kabutihan naman ng loob ni Chee ay agad niya namang sinunod ang pakiusap
ng matanda.
“Hanggang kailan ba matatapos ang
responsibilidad.ng isang ina?
pag malaki na ang anak.nila?
pag napag tapos na ng pag aaral?
pag may trabaho na ang anak?
o pag my sarili na itong pamilya?
hindi..ang responsibilidad ng
isang ina ang natatapos lang sa kanyang kamatayan.. SALUDO ako sa mga ina
katulad ni nanay erlie sa idad nyang 74y.o ay nangangalakal parin sya ng basura
para may pang tustos sa kaniyang anak..
Mabuhay po kau! sana sa simpleng
pag share nmin ng post na ito ay maraming maantig at.matulungan kayo! sa mga
nais tumulong kay nanay erlie pwede nyo po sila puntahan sa ZONE 5 ILAYA ST.
MALABAN BINAN LAGUNA malapit po sa bahay ni LUCKYDAD PRESBITERO.
gamot at diaper lang po ang
hiling ni nanay para skyang anak na na stroke.
maraming salamat po sa
makakapansin sa post na.ito!
PAGPALAIN PO KAYO!” – Chee Presbitero
Photo Credits from Chee Presbitero's facebook
![]() |
Photo Credits from Chee Presbitero's Facebook |
At dahil nga sa nag viral ang post na ito ni Chee,
maraming netizens ang naantig ang puso at nais na mag parating ng tulong sa pamilya ni Nanay Erlie.
Tunay ngang kahanga hanga ang katatagan na ipinakita ng
Ina para lang sa kaniyang anak na may sakit, kahit na sa edad niyang ito ay nahihirapan
na itong mangalakal ginagawa parin nito ang lahat para kahit papano ay maibigay
ang pangangailangan ng kaniyang anak.
Di kalaunan sa pag post na ito ni Chee, bumuhos ang mga
donasyon ng mga netizens para sa mag ina, at ipinagpapasalamat ito ni Chee
dahil malaking tulong umano ito para kahit papano e mabawasan ang hirap na tinatamasa ng mag Ina!
0 Comments