Isang benificiary ng 4p's nakapagtapos bilang isang Civil Engineer

     Ang 4p’s ay isa sa programa ng gobyerno na nag lalayon na matulungan ang mga mahihirap nating mga kababayan. Layunin nito na tulungang makapag tapos ang mga estudyante na kapos sa buhay at nanganganib na hindi na makapag-aral dahil sa kakulangang sa financial. 4p’s Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Photo from: Google


    Kamakailan lang ay isang 4p’s scholar ang naka pagtapos sa kolehiyo at ibinahagi niya nag kaniyang kuwento kung paano niya napag tagumpayan ang hamon ng hirap ng buhay, at kahit na hikahos sa buhay ay nagawan parin ng paraang sa tulong ng 4p’s na makapag tapos ito bilang isang Civil Engineer.

    Sa PEP doon ikuwenento ni Marvin ang ang kaniyang pag sisikap at pag sasakripisyo para lamang maisakatuparan niya ang kaniyang pangarap.

    Ani niya “Kabilang po ang aming pamilya sa beneficiary ng 4p’s na programa ng gobyerno”.

    Hindi makakaila ang hirap na pinag daanan ng binata noong siya ay nag aaral palang, dagdag pa niya sa kaniyang panayam, na halos isang kahig isang tuka lang umano ang kanilang pamilya, dahil ang trabaho ng kaniyang mga magulang ay pag sasaka at pag kokopra lang, at alam naman natin na hindi laging maganda ang kita ng ganitong trabaho, dahil maraming mga balakid ang pupuwedeng sumira sa inyong mga pananim, gaya nalang kapag masama ang panahon.

    “Pagsasaka at pagkokopra po ang ikinabubuhay ng aming pamilya – isang kahig, isang tuka.”

    “Madalas, hirap kami na makakain nang tatlong beses sa maghapon lalo na kapag may kalamidad o matumal ang ani.”

    At nang mabigyan nga si Marvin ng pagkakataon na makapag aral sa tulong ng programa ng 4P’s ay agad agad niya naman itong sinunggaban at hindi na pinalagpas pa ang oppurtunidad na makapag-aral ito. Taong 2015 ng ito ang mag-aral sa kolehiyo at kinuha ang kursong Bachelor of Science in Civil Engineering sa unibersidad sa kanilang lugar ito ay ang Bicol University. At sa kanilang pamilya ay siya pala ang kauna unahang nakapag-aral sa kolehiyo.

    “Hindi ko po pinalampas ang oportunidad kahit medyo may kalayuan ang unibersidad mula sa amin. Nagsakripisyo din po ako sa loob ng limang taon”, saad ni Marvin.

    At kahit nga naging iskolar si Marvin, ay hindi parin madali ang kaniyang pinag daanan nong nag-aral ito ng kolehiyo, sapagkat sa unang taon nito ng pag-aaral ay pumanaw naman ang kaniyang ama. Ngunit sa kabila ng mga pinag daanan nito pinilit parin nitong maging mas matatag para maiahon ang sa hirap ang kaniyang pamilya.

    Sa istorya ni Marvin, dahil nga wala silang allowance na natatanggap tuwing bakasyon, ay nag sisideline ito para kumita ito ng pera at makatulong sa gastusin sa kaniyang pamilya.

    At dagdag pa nito na sa pag-aaral niya sa pag ka inhenyero, sa limang taon nitong iginugol ay halos hindi na nito mabilang ang mga oras na siya ay lumuluha,  minsan naiisip nito kung titigil nalang ba ito sa kaniyang pag-aaral, pero dahil nga may pangarap ito para sa kaniyang pamilya, ay pilit lumaban ni Marvin para sa mga ito.

    At dahil nga isang ganap na na Inhenyero si Marvin ay lubos itong nag pasalamat sa mga tax payer ng bansa dahil nga sa kanila ay nakapag tapos si Marvin at abot kamay na nito ang pangarap na maiahon ang kaniyang pamilya sa kahirapan.

    “Ngayon isa na po akong inhenyero at ito po ang gusto kong ipagpasalamat sa inyo. Gusto kong iparating na may magandang naidudulot po ang buwis niyo.”

“Salamat po!”

 

Post a Comment

0 Comments

Contact Us

Name

Email *

Message *

Blog Archive

Search This Blog