Sa isang taong may pangarap sa buhay at may pinag huhugutan ng inpirasyon,
ano mang hirap ng daan ang tatahakin nito ay walang makakapigil para abutin ang
minimithing tagumpay.
Maraming mga netizens ang nabihag ang mga puso sa kuwento ng isang
mag sasaka na naipag tapos ang sarili kahit na hirap ito sa buhay at may
pamilyang binubuhay.
Photo Credits from Ading Salvane's facebook
Nag trending ang istorya ni Tatay Jerome dahil sa post na ito ni
Ading Salvane, pinost niya ito para mag silbing inspirasyon sa mga may pamilya
na pero patuloy na nag-aaral para sa kanilang kinabukasan.
Naikwento ni Ading sa kaniyang post kung pano sila unang nag kita ni Mang Jerome. Nakilala niya si Mang
Jerome sa isa niyang klaseng pang sabado dito daw nag tanong ito sa kaniya kung
pano sagutan ang kanilang seatwork at humingi pa ito ng paumanhin sa kaniya
dahil nag tanong ito sa kaniya, bakas sa mukha ni mang Jerome ang pagod at nanginginig
pa raw ito giit ni Ading.
Si mang Jerome ay may apat na anak at lahat ito ay nag- aaral. Ginampanan
ng sabay ni Mang Jerome ang kaniyang gampanin bilang isang haligi ng tahanan at
isang mag-aaral, halos lahat ng trabaho pinasok na nito para lang matustusan
ang kanilang pangangailangan sa araw araw at ang mga gastusin sa eskwela.
Sa araw nag tatrabaho si Mang Jerome at sa gabi naman ito'y nag- aaral, kahit na
sobrang pagod na ito sa kaniyang trabaho sa buong mag hapon, pilit paring pumpasok
ito para matapos niya ang kaniyang kurso.
Nag
renta rin si mang Jerome ng lupa upang pag taniman at may maitustus sa pangangailangan ng pamilya sa pang araw araw.
Ngunit nong tumama ang pandemya sa ating bansa, di umano’y mas
lalong nahirapan ito sa kaniyang pag-aaral, nag aalala ito sapagkat wala siyang
facebook at wala siyang cellphone para makapag online schooling. At kahit na
merong cellphone na magagamit ang dakilang ama ay hindi niya parin ito
magagamit sa kadahilanang walang signal sa kanilang lugar na kahit na tawag ay wala.
At pinayuhan ito ni Ading na mag enroll
lang ito dahil konti nalang at makakapagtapos na ito sa kaniyang kurso na kinuha.
At dahil nga sa hirap nga ito sa online schooling pinag tulong
tulongan nila Ading kasama ang kanilang mga kaklase na masagutan nito ang
kaniyang mga module kahit na ito’y late na sa deadline na itinakda ng kanilang instructor,
laking pasalamat rin nila sa kanilang mga instructors na tinanggap parin ito
kahit ito ay huli na sa pasahan.
“Why am I sharing
Kuya Jerome's story? Simply because it is worth celebrating. He never gave up
of his dream and worked hard to make it real. I am proud of him and I hope you
are too.” -Ading Salvane
Inulan naman ng mga magagandang komento ang post na ito:
“I remember this guy in my class..strong and
steadfast in his desire to graduate..yet i let him feel that hes of no
different from everyone else that foremost he had to do his share as a
student..congrats Jerome”
“Congratualtions to kuya Jerome. With
this story, i rmmber ur angkoy godo. It maybe a different perspective but it
has the same outcome. U and ur classmates have been an instrument to his
success and i am sure kuya Jerome will not forget u all.I am very proud if u
ate ading. My grand salute!!! I love u ate!”
Nakakahanga
ang determination ni Mang Jerome na pag tapusin ang sarili kahit na ito’y may pamilyang binubuhay may edad na at hirap sa buhay. Marami sa atin na halos lahat ibinigay na pero
hindi parin nakapagtapos. Nawa’y mag silbing inspirasyon ang kuwentong ito ni
Mang Jerome sa mga taong nangangarap para sa kanilang pamilya at hinaharap.
0 Comments