Isang matapat na tricycle driver ang nag sauli ng CASH at iba pang importanteng gamit sa kaniyang pasahero!

     Sobrang hirap ng buhay ngayon, napakahirap din kumita ng pera, lalo nat nararanasan natin ngayong ang pandemya sa ating bansa, mas lalong pinahirap pa nito ang kalagayan ng pamumuhay sa ating bansa!

Photo from: Google


    Pero kahit na ganito na ang kalagayan natin sa ating bansa, hindi parin mawawala ang mga kababayan nating may ginituang puso at magandang loob, na kahit na hikahos na sa buhay ay nagagawa paring gumawa ng maganda sa kapwa at hindi ang pang sarili lang ang iniisip.

    Kagaya nalanag ng tampok sa ating istorya na isang Tricycle Driver na si Mang Michael Egente , na nag sauli ng isang naiwang backpack sa kaniyang tricycle na nag lalaman ng isang bagong laptop, mga importantent kagamitan pati narin ang malaking halaga ng pera na para sa kaniyang kliyente at bonus nito na ibibigay sa kaniyang  ina.

    Hindi naman maitago ang saya ni Jonamie ng agad agarang ibalik ni Mang Michael ang kaniyang naiwang backpack sa loob nang kaniyang tricycle. 

    Sobra sobra ang pasasalamat ni Jonamie kay Mang Michael sa pagiging matapat nito. Kasi lingid sa kaalaman ng karamihan ay napakahirap kumita ng salapi sa panahon ngayon, ni hindi man lang ito pinag interesan ng tricycle driver.

    Ayon sa kuwento ng babae, na gabi palang pala nong naiwan niya ang kaniyang gamit, at hinihinitay siya ng tricycle driver na bumalik para kunin ang kaniyang bag, buong gabi din raw itong hinawakan ni Mang Michael kasi natatakot itong mawala ang mga importanteng gamit at pera sa loob ng bag ni Jonamie.

    “Sobrang grateful ako kasi sabi niya, kagabi pa niya ako [hinihintay] na balikan [siya]. Buong gabi niya hawak ang bag ko kasi baka mawala daw. Tiningnan ko ang bag ko, wala po talagang nawala kahit isa. Kaya sobrang grateful ako sa Lord na lahat ng meron [tayo] ay iniingatan niya,” -Saad ni Jonamie sa kaniyang post sa social media.

    "Sa dami dami ng tricycle, sa kanya ako nakasakay na may napakabuting puso. Sa kabila ng hirap ng buhay ngayon, hindi nya nagawang itago ang mga gamit ko na sana ay magpapagaan ng kaunti ng kanyang buhay. Dagdag pa nito.

    Dahil sa kabutihang loob ng tricycle driver binigyan din ito ng pabuya ni Sebastian para man lang masuklian ang kabaitan na ipinamalas ng driver sa kaniya.

    Tunay ngang nakakahanga ang pinakitang katapatan ni Mang Michael kay Jonamie at sa mga netizens, na kahit na maliit lang ang kita nito sa pamamasada ay hindi nito inisip ang sariling kapakanan, bagkus ibinalik nito ang naiwang gamit kahit na alam natin na, ang halaga na laman ng bag ay sapat na para kahit papano ay makatulong sa kaniyang pamilya.

    Maraming netizens ang pinuri ang katapatan ng driver, dahil kung iba raw ang nakapulot ng bag ni Sebastian marahil ay hindi na raw ito naibalik sa kaniya. 

    Isang magandang halimbawa si Michael Egente sa ating lahat, na kahit na anong hirap ang dumadaan sa ating buhay ngayon, isipin parin natin na hindi tayo makapanlamang ng kapwa, at gumawa ng mabuti sa isa’t isa. 



Comments