Photo from: Google
Sa panahon natin ngayon na halos pahirap ng
pahirap ang buhay sa bawat taong dumaraan, kaya mas magandang kahit papano ay mayroon
tayong naitabi o naipong pera para magamit natin ito kung tayo ay magipit.
Ngunit ang pag-iipon ay hindi madaling gawain,
andiyan ang mga bisyo natin o hindi kaya ay ang mga luho na kahit mura, pero
kung iipunin ito ay malaking halaga rin kung susumahin.
Tunghayan natin ang kuwento ng ating isang OFW
na kababayan matapos nitong mag dyeta, itigil ang mga bisyo gaya ng
paninigarilyo at pag lalaro ng online games. Hanggang sa ito ay makaipon ng pera
na mag kakahalaga ng isang milyong piso.
Photo from: Google
Siya ay si Neil Ryan Lorenzo, isang OFW sa bansang
Saudi Arabia. Nag tatrabaho siya rito bilang isang Factory worker, at dahil nga
may bisyo pa ito noong una halos walang naipon si Neil sa kaniyang pag
tatrabaho at minsan kinakapos pa nga ito.
Dumating rin ang araw na naisipan na ni Neil na
itigil ang kaniyang mga bisyo, kasama na rito ang pag babawas sa kaniyang mga
pagkain, paninigarilyo at pag lalaro ng mga online games. Imbes na sa bisyo
niya igastos nag isip ito na ilagay nalang sa alkansya ang mga pera na dating
nakalaan sa kaniyang bisyo, hanggang sa ito ay kaniya ng nakasanayan at nahumalig
pa ito na mas lalo pang mag ipon.
Photo from: Google
Halos pinag sabay sabay na Neil ang kaniyang
mga trabaho, para ito ay makapag ipon. At matapos ang tatlong taon ng kaniyang
pag iipon, naisipan na nito buksan ang kaniyang dalawang alkansya, at dahil nga
sa laki ng naipon nito halos hindi makapaniwala si Neil na ganon kalaki ang
kaniyang naipon sa loob ng tatlong taon, nag kakahalaga ito ng 75,400 Riyal o
kung isasalin natin sa ating pera ay tutumbas sa isang milyong piso.
Sa facebook post naman ni Neil kaniyang ipinag malaki
ang kaniyang Ipon Challenge, at dahil nga sa nag viral ito maraming mga
kababayan natin ang na enganyo at kumasa sa ipon challenge na ito ni Neil.
At dahil nga malaki ang naipon ni Neil sa
kaniyang ipon challenge, namigay ito sa ating mga kababayan ng 500 riyals o
katumbas ng 6500 pesos, kapalit narin ng kasiyahan na naibigay sa kaniya sa
kaniyang pag iipon.
Giit pa ni Neil na sa kaniyang pag uwi sa Pilipinas
ay mag bibigay ito sa simbahan at sa kaniyang Ina, labis ang pasasalamat ni
Neil dahil sa ginawa nitong pag iipon, kaya hindi lang sarili nito ang naisip
niya bigyan pati narin ang iba nating mga kababayan.
Hindi madaling mag-ipon lalo na kung tayo ay
walang control sa pag gastos natin sa ating sarili, nawa’y maging inspirasyon
natin si Neil upang tayo ay matuto kung pano kontrolin ang sarili at kung pano
tanggalin ang mga bisyo na hirap tayong kontrolin.
Ang pag-iipon ay napakalaking tulong sa atin,
lalo na at mahirap ang buhay ngayon. Hindi natin alam kung kalian tayo
mangangailangan ng pera para sa ating hinaharap.
0 Comments