![]() |
Photo from: Google |
Hindi na bago ang kahirapan na
tinatamasa natin ngayon sa ating bansa, pero ang mga nakakabilib lang sa ating mga
kababayan ay hindi tayo marunong sumuko sa hamon na ibinibigay sa atin ng buhay.
Gaya nalang ng mga taong mayroong mga kapansanan, na tila ba hindi hadlang sa
kanila ang dinadala nilang pasarin para lang maitaguyod ang kanilang kapamilya.
Sulyapan natina ng kuwento ni Ryan
Moralidad na tubong Sibsib, Tulunan, Cotabato isa siyang PWD o Persons With
Disabilities. Si Ryan ang panganay sa walong mag kakapatid, at dahil nga
pumanaw na ang ama nila, kahit na may kapansanan ito ay pinilit na mag trabaho
ni Ryan para lang maitaguyod at makatulong sa kaniyang pamilya, dahil hindi sapat
ang kita ng kanilang ina sa pagtitinda.
Photo from: Google
Talaga namang nakakabilib itong si
Ryan kasi kahit na ito ay walang mga paa, nagagawa parin nitong mag uling at
mag saka, at talagang makikita mo sa kaniya na hindi niya iniinda ang kaniyang kapansanan
bagkus parang normal lang ito sa kaniya.
Photo from: Google
At dahil nga sobrang hirap ng buhay
ngayon lalo na’t nandiyan ang pandemya na ating kinakaharap, si Ryan bilang
panganay ng kanilang pamilya, ay pilit na hinaharap ang mga pagsubok para lang
sa kaniyang pamilya dala dala nito ang determinasyon at pag mamahal sa kaniyang
pamilya.
Sa panayam sa kaniyang kamag anak na si Irine Dioso, dito inilahad ng kaniyang pinsan na si Ryan o Ipong kung kanilang tawagin ay isang mabait at masipag na anak at nkakatandang kapatid sa kaniyang pamilya. Kuwento rin dito na Unang baitang lang ang natapos nito dahil din umano sa mga pambubully sa kaniya ng mga nakakakita sa kaniya.
“Kung ano ang trabaho na kaya ng may
mga paa, kaya niya rin gawin. Pero sa mga ganitong trabaho, hindi naming siya
inuutusan, kusa siyang gumagawa dahil gusto niya” dagdag pa ng kaniyang kamag
anak na si Irine.
Pangarap ni Ipong na makaraos sa hirap
ng buhay, at nangangarap rin itong magkaroon ng sariling Negosyo pantulong para
sa pang araw araw na gastusin ng kaniyang pamilya.
Kinabiliban ng maraming netizens ang
kuwentong ito ni Ryan, at umani ito ng maraming papuri at may iba rin na gustong
mag abot ng tulong sa pamilya nito.
Pinatunayan ni Ipong na hindi
makakahadlang ang kaniyang kapansanan para ito ay makatulong sa kaniyang pamilya.
Samantalang marami sa ating mga kababayan na kumpleto nga at walang kakulangan
sa katawan ay nagagawa paring manlamang sa kapuwa para lamang mas makaangat sa
buhay.
Sana ay maging inspirasyon ang
kuwentong ito ni Ryan sa mga kababayan natin may kapansanan man o wala na kung
talagang gugustuhin natin na makatulong sa pamilya o mag karoon ng sariling pagkakakitaan,
walang kahit ano mang balakid ang makakapigil sa atin. Tanging sarili lang
natin ang kalaban natin sa ganitong mga bagay.
0 Comments