Janitor noon, Restaurant owner na ngayon sa Australia!!

     Wala talagang imposible sa isang taong may pangarap, halos lahat ng puwedeng gawin at pagkakitaan ay gagawin nito makuha lamang ang minimithing tagumpay na inaasam sa buhay. Hindi kailan man naging hadlang sa kanila ang hirap na pag daraanan makuha lamang ang pangarap.

Photo from: John Andrew Dangca

Narito ang kuwento ng isang pinoy na naging Janitor sa bansang Australia, at hindi kalaunay naging restaurant owner sa edad na 25.

Photo from: John Andrew Dangca

Sa edad na 19 anyos, si John Andrew Dangca ay naging Janitor sa Australia, tinulungan siya ng kaniyang mga kamag anak para makipag sapalaran sa bansang ito at mag baka sakaling mapaganda ang kanilang buhay. Kuwento niya pa na sobrang na homesick ito nong dumating ito sa Australia. At dahil nga may pangarap ito para sa kaniyang pamilya, ginawa niya ang lahat para sa mga ito.

Photo from: John Andrew Dangca


Hindi lang pagiging janitor ang pinasok na trabaho ni John sa bansang ito, halos lahat ng pupuwede niyang pag trabahuan kaniya itong ginawa para kumita, nasubukan din ni John mag trabaho sa Malls, hotel at mga bahay bahay, nagawa ito ni John sa kadahilanang siya ay nag papadala rin ng pera sa kaniyang pamilya na naiwan sa Pilipinas, kaya kinakailangan niyang kumayod ng sobra sobra.

Pinag sabay din umano ni John ang pag-aaral at pag tatrabaho, at nang ito nga ay makapag tapos at nakuha na ang kaniyang diploma, nag apply ito bilang assistant sa isang Age Care Facility at kahit na natanggap na ito sa kaniyang pinasukang trabaho hindi parin nito iniwan ang pagiging Janitor.

“Maraming mga pag subok katulad no’ng nakakatulog po ako doon sa train station. Dire diretso po ako no’n papunta sa kabilang trabaho, ganyan. Sa bus, nakakatulog po. Parang doon na rin po ako nakakapahinga.” Saad ni John sa isang interview sa kaniya.

Photo from: John Andrew Dangca

Hindi naman nag sisisi ang binata sa kaniyang mga sakripisyo, dahil di kalaunay nadala niya ang kaniyang pamilya sa Australia, at taong 2020 ng makapag ipon ito nag pundar ito ng isang negosyo sa Australia na isang Filipino Food Restaurant na pinagalanan niyang Salu-salo.

Photo from: John Andrew Dangca


Dagdag ni John sa kaniyang interview na hindi ganoon kadali ang kaniyang pinag daanan bago makamit tagumpay na tinatamasa ngayon, marami din umano itong pinag daanang kabiguan at mga pag subok bago makamit ang inaasam asam nitong tagumpay.

Photo from: John Andrew Dangca

Isang magandang inspirasyon si John sa ating mga Pilipino na nangangarap na maiangat sa buhay ang ating Pamilya, sa pamamagitan ng sipag , tiyaga, determinasyon at pag pupursigi maari nating makamtan ang gusto natin sa mga hinaharap.

Kung si John ay nag papakapagod na maging Janitor noon, ngayon hindi na tayo dapat mag taka pa kung inaani na nito ang kaniyang pinag paguran noon.

Marami rin sa ating mga kababayan ang nag pahayag ng pag kamangha kay John, na kung saan labis itong pinupuri sa kaniyang pag pupursigi para makamtan ang kaniyang pangarap, at marami rin sa ating mga kababayan ang nabuhayan at nagkaroon ng pag-asa na maabot ang kanilang pangarap.

 

Comments