Mona isiniwalat ang biggest Crush ng kaniyang ate sa mga local celebrities!


Photo from Ivana's youtube Video

 

Ivana Alawi, ipinagdiwang ang kaniyang Second year anniversary sa Youtube.

Lingid sa kaalaman ni Ivana Alawi merong pa surpresang prank na nag aantay sa kanya para sa kaniyang 2nd year anniversary sa youtube. Walang ka malay malay si Ivana na merong ng hinahandang surpresa ang kaniyang mga kapatid para sa kaniya.

Sa Vlog ni Ivana para sa kaniyang pangalawang anibersaryo. Makikitang nag hahanda ng surpresa ang kaniyang kapatid na si Mona at tila natatakot itong mabuking ng kaniyang ate dahil siya ay tinawagan ng kaniyang ate upang pag usapan ang kanilang kasunduan na mag shoshoot sila ng video pa tungkol sa kanilang anibersaryo.

Dito pinag tulungan ng kaniyang kapatid at it ina si Ivana hanggang sa ito’y maiyak.  


 
Photo from Ivana's faceboook page

Ginawa ng pamilyang Alawi ang pasurpresang ito upang maibalik nila ang tulong at kagandahang loob na ibinigay sa kanila ng kanilang ate.

Todo effort si Mona para sa kaniyang regalo sa kanilang ate. May pa balloons at flowers pa na kulay ginto ito para kay Ivana. Sa isang dako naman nag handa rin ng pagkain ang kanilang ina para kay Ivana.

Isa naman sa pinaka bonggang regalo ni Mona para sa kaniyang ate ay ang pag pa video greeting nito sa mga celebrities at kaibigan ng kaniyang ate.

Gaya nina Doktora Vicky Belo, Moira Dela Torre , MIMIYUUUH, Liza Soberano at iba pa.

Ngunit sa mga video greetings na nalikom ni Mona para sa kaniyang ate. Labis na ikinagulat ni Ivana ng makita niya ang mensahe ng kapamilya actor na si Joshua Garcia.

Photo from Joshua Garcia's Twitter

 

Habang pinapanood ni Ivana ang video greeting bigla itong napasigaw. “Bakit andiyan si Joshua!!” ika ni Ivana.

Ang dahilan pala ng pagkabigla ni Ivana sa video greeting ng actor. Siya pala ang biggest crush ni Ivana sa mga local celebrities ng Pilipinas.

Habang nag vivideo greeting ang actor hindi maitanggi ang saya na nararamdaman ng celebrant.

“Hello Ivana this is Josh Garcia binabati ka ng happy second youtube anniversary. My message for you is to continue to inspire and entertain people, because you’re doing ang excellent job and follow me on Instagram.” – Mensahe ng aktor para kay Ivana.

Sa pahayag ng aktor paukol sa kaniyang mensahe. Pinapa follow niya ito sa kaniyang Instagram account. Sabay sagot naman agad ni Alawi na “I follow you! You follow my heart!” Hindi talaga maintanggi na may pag hanga si Ivana sa kapamilya actor.

Matapos ang mga video greetings. Mahiya hiyang humarap sa camera si Ivana sa ginawa ng kaniyang kapatid. Agad niyang kinompronta ang kapatid “nakakahiya ka minessagemo si Joshua Garcia no? Sinabi mo na crush ko siya.”

Agad naming sinagot ni Mona ang tanong ng kaniyang ate kung pano niya napapayag na mag video greeting si Joshua Garcia para sa kaniyang ate.

“Hi kuya Joshua puwede po bang makahingi ng video greet kasi crush ka niya para anniversary po ng youtube niya.”

Agad namang humingi ng paumanhin si Ivana sa nagawa ng kaniyang kapatid.

At bilang pag tatapos ng kaniyang anniversary vlog, namigay si Ivana sa kaniyang mga followers ng worth 100k Pesos na regalo.

 

Photo's from Ivana's facebook page and Joshua's Twitter

 

 



Comments