Sam Pinto nanganak na

 

Congratulations Sam Pinto and Anthony Semerad.

 

                Isang magandang balita ang natanggap ng magkasintahang Sam Pinto at Anthony Semerad nitong Seteyembre 1, 2021 dahilan upang mag masaya si Anthony Semerad at maging ganap ng isang Ama!

Nitong Marso 8 ngayong taon ay ikinasal si Sam Pinto sa kanyang best friend na si Anthony Semerad na isang Basket Ball player na nag lalaro sa NLEX Road Warriors sa Philippine Basketball Association o PBA. Ginanap ang kanilang kasal sa  The Conrad Manila’s rooftop na overlooking ang Manila Bay. Sinundan naman ito ng pag anunsiyo ng mag kasintahan nitong Mayo na siya ay nag dadalang tao at nag pa gender reveal pa ang mag kasintahan.


 

Ngayong Setyembre 1, 2021 ganap ng isang Ama at Ina si Sam Pinto at Anthony Semerad.

Si Sam Pinto na isang Aktres-Model at isang Resort owner ay nag silang sa isang Munting Anghel na babae at pinagalanan nila itong Mia Aya Semerad.

Masaya ang mag kasintahan at naging maayos ang panganganak ni Sam Pinto sa kanilang Baby Mia Aya Semerad.

Photo from Anthony Semerad's Instagram

 

Kinumpirma na nga ni Anthony Semerad na isinilang na ang kanilang munting anghel sa pamamagitan sa isa niyang Instagram post sa social media na kung saan may letrato itong ipinost na may batang nakahawak sa kanyang kamay.

                Batay sa nasabing post ni Anthony ay nag papasalamat ito sa kanyang asawa at proud na proud ito kay Sam na kaniyang katuwang sa buhay sa kadahilanang nairaos ni Sam ang isa sa pinaka matinding pagsubok na pag dadaanan nito sa panganganak.

                “I’m Officially a Dad” So proud of you baby @sampinto_ you were amazing! Hello Mia Aya Semerad" giit ni Anthony Semerad sa kanyang Instagram post.

Labis ang kasiyahan ng mag asawa ng makita nila ang kanilang munting anghel. At nag papasalamat ang mga ito na nakaraos si Sam ng maayos sa kaniyang panganganak.

    Bumuhos ang mga pag bati sa mag kasintahang Sam Pinto at Anthony Semerad sa mga kaibigan nito sa showbiz at kapamilya. Isa na dito sa naunang bumati ang Sister in kaw at matalik na kaibigan ni Sam Pinto na si Gwen Zamora, sinundan namn ito ng Isang Celebrity Doctor na si Doctor Z Teo at isang Basket ball player na si Jericho Cruz

“ Yeehee!!! Congratulations again you two!!” saad ni Gwen Zamora

“Congrats Brotha” ito naman ang sinabi ni Jericho Cruz.

Ang mag kasintahan ay nag babalak muli na mag raos uli ng kanilang pangalawang kasal isang Semi bigger wedding bago matapos ang taong ito.

Comments