Health TIPS

Photo from Google

 
 
Health Tips para sa kalusugan!!

No.1 -Paglilimita ng mga softdrinks at mga matatamis na inumin:
    Ang pag iinom ng mga softdrinks at matatamis na mga inumin ay nagiging pang araw araw na ugali na nating mga Pilipino. Mapa handaan mano pag nag memeryenda.
    
    Sa mga pag aaral ng mga eksperto. Maari tayong mag karoon ng sakit sa  puso at daibetis.
Nakaksama rin sa mga bata ang sobrang pag inom ng matatamis na mauuwi sa Obesity o tinatawag na    Sobra sa timbang na hindi akma sa edad ng mga bata. Hindi man maramdaman ng mga bata ito agad agaran maari nila itong maramdaman sa kanilang pag tanda. Maari silang magkaroon ng Diabetes, High Blood pressure at non-alcoholic fatty liver disease.
Mga alternatibong Pamalit para makaiwas tayo sa ganitong mga sakit.
    - Tubig
    - Unsweetened Teas o Tsaa na walang asukal na sangkap
    - Sparkling Water
    - Kape

No. 2 - Pagkain ng Mani o mga Seeds:
    May ibang mga tao na iniiwasan ang pagkain ng Mani sa dahilang mataas ito sa fats. Pero ang mani ay masustansya. Ito ay nag lalaman ng Protina, fiber at iba't ibang klaseng bitamina at minerals.
    Ang mani ay maaring makatulong sa iyong pagpapayat at maka tulong sa pag laban sa mga heart disease at dalawang uri ng diabetes.
    At ayon rin sa mga eskperto ang minimal na pagkain ng mani ay maaring maiugnay sa pag taas ng tsansa na tayo ay mamatay sa Heart Disease,
        stroke at diabetes..

No. 3 -  Pag iwas sa mga pagkaing processed foods.
    Gaya ng:
        Delata
        Sitsirya
        Noodles
        Frozen Meals(Yung mga pagkaing nabibili sa grocery store na i mmicrowave)

Ang mga ganitong uri ng pagkain ay mataas sa calorie consumption at maari ding tumaas ang ating timbang sa pagkain ng ganitong mga pagkain.
        Sa pag aaral din ng mga eksperto sa ganitong uri ng mga pagkain maarin nating makuha
    ang mga sakit gaya ng obesity, 2types ng diabetes, heart disease at chronic conditions.
    
Karagadagang tips:
    Ang ganitong mga pagkain ay naglalaman ng low quality ingredients. Gaya ng inflmmatory fats, added sugar at refined grains. Ito ay  low in fiber at micronutrients. Kahit na nag bibigay sila ng empty calories.
    (Kaya Iwasan ang pagkain ng ganitong pagkain Madalas)

 
No.4 - Coffee (Black Coffee) Hindi yung 3 in 1
    Karamihan ay natatakot uminom ng kape! Sa kadahilanang sila daw ay nag kaka nerbyos at hindi makatulog sa gabi.
    Hindi alam ng karamihan na ang Black Coffee ay mayaman sa Antioxidants at hindi alam ng karamihan na ang kape ay nakakapag pababa ng tsansang magkaroon tayo ng diabetis, Parkinson's and Alzheimer's disease at iba pang karamdaman.
Ang pinaka adivisabale na pag inom ng kape ay 3 hanggang apat na tasa lang sa isang araw.
        Ngunit inaabisuhan ang mga buntis na limitahan ang pag inom ng kape. Sapagkat ito'ymaaring maging sanhi ng low birth weight pag sila ay nanganak.
    Payo ng mga eksperto na uminom tayo ng kape in Moderation lamang. Ang labis na pag kunsomo ng kape ay maaring mapunta sa Insomnia(Hindi makatulog) at Palpitations (Pag bilis ng tibok ng puso) kaya sundin nating ang payo na wag sosobra sa 4 n tasa ng kape sa isang araw at
    iwasan nating ang pag dagdag ng sobrang asukal sa kape.

No. 5 Pagkain ng Isda
    Oo! Isda! Ang isda ay isa sa pinagkukunan natin ng High Quality Protein at Healthy Fats. Gaya ng Salmon! Ito ay mayroong anti-infalmmatory, omega 3 acids at iba pang uri ng nutrisyon.
        Sa pagkain palagi ng isda. Maari nating maiwasan ang mga sakit na gaya ng  Heart Disease, dimentia at inflammatory bowel disease.

No. 6 - Tamang oras ng pagtulog
    Ang pag tulog sa tamang oras at 8 oras na tulog ay makakaganda sa ating katawan. Ang kakulangan sa pag tulog ay maaring mag dulot ng insulin resistance, walang gana sa pagkain at maapektuhan nito ang ating Pisikal at Mental na kakayahan. Maarin ding tumaas ang ating timbang sapagkat ang mga taong hindi nakakakuha ng Sapat na tulog ay madalas mag hanap ng pagkain na mataas sa Far, sugar at calories na nag dudulot ng Obesity.

No. 7 - Laging uminom ng tubig.
    Ang pag inom ng tubig ay isa sa pinka importanteng pangangailgan ng ating katawan. Nakakatulong ito upang mapanatili natin na ang ating katawan ay nag fufunction ng maayos at at ang ating blood volume.

No. 8 -  Pagkain ng mga inihaw na pagkain
    Hindi namna sa pinag babawal na kumain tayo ng mga inihaw na pagkain. Pero hanggang sa maiiwasan natin ito. Mabuti nat maiwasan natin ito! Sapagkat ang mga inihaw na pagkain gaya ng Inihaw na baboy o pagkain  ng BBQ. Ito ay magududulot ng tsansang magkaroon tayo ng Kanser.

No. 9 - Ugaliing kumain ng maraming Prutas at Gulay
    Ang mga gulay at prutas ay mayaman sa prebiotic fiber, vitamins, minerals, at antioxidants.
    Ang pagkain ng gulay at prutas ay maaring mapahaba ang ating buhay at makaiwas sa iba't ibang uri ng sakit.

No. 10 - Pag eehersisyo
    Ugaliin nating mag ehersisyo araw araw gaya ng pag takbo o Cardio Excersises. Isa ito sa pinkaepektibong paraan upang mag bawas ng taba sa ating katawan. Tandaan na ang labis na taba sa katawan ay maaring magdulot sa ating katawan ng iba't ibang uri ng sakit.

No. 11 - Huwag MANIGARILYO,DRUGS at Uminom lang ng alak sa tama.
    Ang paninigarilyo, pag gamit ng droga at pag inom ay may mga negatibong  hatid sa ating katawan.
    Habang maaga pa itigil na nating ang masamang ginagawa natin sa ating kaatawan!

No. 12 - Pag iwasa sa mga diets na hindi angkop sa ating Katawan.
    Ang pag dyedyeta ay ibinabagay sa gawain natin sa isang araw o di kaya ay sa timbang at edad natin.
Ang Pag dyedyeta ng hindi angkop sa kakayanan ng ating katawan ay maaring maging sanhi ng mga sakit. Mas mainam muna na kumunsulta sa doktor bago mag dyeta upang makahingi ng payo sa mga ito. At maging tama ang dyeta na gagawin.

No. 13 - Bawasan ang labis na pagkain ng mga matatamis.
        Ang labis na pagkain ng matatamis ay nakakasama sa ating katawan. Maraming sakit ang puwede nating makuha sa mga ganitong pagkain.
    Gaya ng pag taas ng Blood Sugar at pag taas ng Presyon ng dugo.Kumain lang ng sa moderasyon kung hindi mapigilan ang sarili sa pagkain.

No. 14 - Pakikipag usap sa mga kaibigan at Pamilya
        Makaktulong ito upang ang mental na kaisipan natin ay maging aktibo maging ang ating pisikal na kalagayan.
        Ang pagkakaroon ng Pamilya at kaibigan na masasandigan ay maaring bigyan tayo  ng Masiglang pamumuhay.

No. 15 - Meditation.
        Ang stress ay isa sa nag bibigay sa ating ng iba't ibang klaseng sakit. Maari nitong maapektuhan ang ating blood sugar levels at iba pa. Maganda humanap tayo ng alternatibo na makakapag manage ng ating stress! Isa na dito ang meditation.

    
    
    

Comments