Magulang, isang responsibilidad
na hahamakin mo ang lahat mabigyan lang nang marangyang buhay ang iyong Pamilya,
tipong kahit wala ng mabili para sa sarili sisiguruhin na maibigay muna ang pangangailangan ng mga anak.
![]() |
Photo from Aldi Relqno's facebook account |
Usap usapan ngayon sa social
media ang pag sasakripisyo ng isang ama para sa kaniyang mga anak.
Nitong Setyembre 2, 2021 ibinahagi
ni Aldi Relqno ang video ng kaniyang ama habang ito ay kumakain.
Na kung saan
hindi alam ng kaniyang ama na bumangon ang kaniyang anak upang palihim na
sundan ito at kunan ng video. Nag tataka si Aldi kung bakit tuwing mag hahating
gabi laging bumabangon ang kaniyang ama, noong una hinahayaan niya lang umano ito. Pero
dumating ang oras na tila ba gusto malaman nito ang ginagawa ng kaniyang ama.
Dito na sinundan at kinuhaan ng video ni Aldi ang kaniyang ama.
Sa kaniyang pag
sunod sa ama. Bigla na lamang tumulo ang luha ni Aldi nang makita niya ang
kaniyang ama na nag sasabaw ng toyo at mantika sa kanin habang
ang ulam naman nito’y sibuyas at bagoong. Dito napag isip isip ni Aldi kung
bakit sa tuwing niyaya nila ang ama na maghapunan lagi nalang sagot sa kanila
ng Ama na busog pa ito o hindi kaya’y nakakain na ito.
Sa kuwento ni
Aldi isang OFW ang kaniyang ama, ngunit malabo na itong makabalik sa ibang
bansa sa kadahilanang nitong March 18, 2021 nasagasaan ng truck ang kaniyang ama,
halos mag aanim na buwan na raw at wala paring nangyayari sa kaso ng kaniyang
ama, giit pa ni Aldi sa anim na buwan na nakalipas simula nang mangyari ang aksidente.
Bakas parin sa kanilang ama na nahihirapan ito kumilos dahil sa natamong pilay
mula ng ito'y mabangga.
Dagdag pa ni
Aldi na kahit na hirap na raw ang kanilang ama hindi raw nito pinapakita sa
kanilang mag kakapatid na ito’y nahihirapan sa kaniyang sitwasyon.
Humihingi ng tulong si Aldi upang
matulungan ito na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanilang Ama.
Maraming netizen
ang naantig ang puso at namangha sa istorya na ibinahagi ni Aldi sa kaniyang
video. At inulan ito ng supporta upang mabigyan ng hustisya ang nangyaring
aksidente sa ama.
Marami ngayon sa
mga kabataan ang hindi nabibigyang pansin ang sakripisyo ng mga magulang na
kung tratuhin ang kanilang mga magulang ay basta basta na lamang.
Nawa’y nakapulot
tayo ng aral at inspirasyon sa kwentong ibinahagi ni Aldi sa sakripisyo na
ginagawa sa kanila ng kanilang padre de pamilya.
0 Comments