Sarili ay pangalagaan! Narito ang iilan sa simpleng tips para mapangalaagan natin ang ating kalusugan!!

 

Photo from Google


Tunay ngang napakahirap iwasan ng mga maling gawain para mapanatiling malusog ang ating pangagatawan. Ganon narin sa pag didisiplina na ng sarili upang maiwasan ang mga ito. Kung hindi natin aaksyunan ang mga gawaing ito maari natin itong maramdaman pag dating ng panahon.

 

Narito ang ilang tips para sa magandang hinaharap at at kalusugan:

 

1. Cardiovascular excersises

                Gaya ng Jogging, Cycling, Swimming at iba pa.

               

                Ngayon bakit mahalaga ang cardiovascular excercises? Ito ay sa kadahilanang nakakatulong ito upang malimitahan natin ang pagkakaroon ng sakit sa puso, at nakakatulong din ito para mas tumaas ang ating stamina at hindi agad hingalin kung tayo ay  nag lalakad o may mga mabigat na bagay na ginagawa. Isa ring benepisyo ng pag eehersisyo ay nakakabawas ito ng sress sa ating katawan, the more na pinag papawisan tayo sa pag eexcercise mas lalong nagiging aktibo ang ating katawan.

 

2. Pag iwas sa mga diet soda.

                Ang pag intake natin sa katawan ng mga Diet Soda's ay nakakapag trigger ng kagustuhan natin na mas lalong kumain ng mga high calories na pagkain, ito ay mag reresulta ng pag taas ng ating timbang.

                Maraming alternatibong pamalit sa Diet Soda, nariyan ang kape, carbonated water, tsaa at iba pa.

                Ang pag bawas ng mga matatamis na inumin na pinapasok natin sa ating katawan ay makakatulong na mapababa ang tsansang mag karoon tayo ng diabetes at weight gain.

 

3. Simulan ang araw sa pag kain ng healthy breakfast.

                Ang pag kain sa umaga ay ang pinaka importanteng meal sa ating katawan sa isang araw. Sapagkat dito tayo kumukuha ng lakas para sa mag hapon nating enerhiya sa pag tatrabaho.

                Sa agahan kumain tayo ng mga pagkaing mataas sa fiber at protein. Nakakatulong ito na malimitahan ang pagkakaroon ng tsansa nating magkaroon tayo ng diabetes at heart diseases.


4. Ang pagkain ng gulay

                Hindi sa binabawalan tayo na kumain ng mga karne merong ding magandang benipisyo ang karne sa ating katawan. Pero hanggat

sa maari limitahan lamang ang pag kain nito at mas dalasan ang pag kain ng mga gulay.

                Ang pagkain ng kulay berdeng mga gulay ay maraming benepisyo sa ating katawan kagaya na ng Lettuce, ang lettuce ay mataas sa Fiber at low in calorie na gulay, malunggay ito ay nakaktulong na mas mapaganda ang daloy ng dugo sa ating katawan at high in protein din ang ito, Kangkong, nakakatulong ito upang mabawasan ang ating blood pressure kung tayo ay highblood at isa sa pinaka magandang benepisyo ng kangkong ay nakaktulong ito na mabawasan ang tsansang mag ka kanser tayo. Maraming nutrisyon at benepisyo ang makukuha natin sa pag kain ng gulay. Kaya't mas mainam na isama natin ito sa pang araw araw nating pag handa ng pagkain para sa pamilya.

 

5. Iwasan ang mga di masustansiyang pag kain.

                Iwasan  natin ang mga pag kain na High in Calories pero walang magandang benepisyo na maibibgay sa ating katawan.

Gaya ng pag kain ng mga instang noodles, delata at mga junk foods o sistsirya. Itong mga pagkain na ito ay walang magandang dulot sa ating katawan. Karamihan sa atin ay mahilig rito kasi madali itong lutuin at on the go na ang mga pag kaing ito. Hindi natin alam na unti unti ng nilalason ng mga pagkaing ito ang ating katawan.

 

6. Labis na pag inom at paninigarilyo.

                Ang labis na pag inom at paninigarilyo ay isa pinaka masamang ipinapasok natin sa ating katawan, ang pag inom ng labis ay maaring makaapekto sa ating atay at makapag pataas ng ating blood pressure, kaya kung ika'y malakas uminom, simulan mo na itong bawasan at uminom na lamang ng nasa moderasyon lang. Ngayon sa paninigarilyo naman, siguro alam narin ng karamihan na maraming namamatay sa sakit na Lung Cancer, hindi lang ang mga naninigarilyo ang nag kakaroon ng sakit na ito. Pati narin mismo ang mga nakakaamoy sa paligid nito. Mas madaling magka magkasakit ang mga nakaamoy ng usok ng sigarilyo kesa sa gumagamit nito.

Tigilan na natin ang paninigarilyo, iwasan na na natin ito. Walang magandang naidudulot ito sa ating katawan kundi puro sakit lamang, Nailalagay pa natin sa Peligro ang kalusugan ng ating pamilya at ibang tao. Kung hindi kayang tigilan ng biglaan, puwede naman nating unti untiin ang pag gamit nito hanggang sa hindi na ito hanapin ng ating katawan.

 

   " Kung tayo ay patamad tamad sa pag aaruga ng ating katawan balang araw sisingilin din tayo nito at tayo rin ang mahihirapan. Hindi man natin ito maramdaman ngayon, pero darating at darating ang panahon na tayo ay sisingilin nito sa sarili nating kapabayaan. Kaya habang kaya pa nating ituwid ang mga maling ginagawa natin sa ating katawan, aba tayo'y kumilos na!!"

 

 

 

Comments