Silipin natin ang buhay may Pamilya ng dating aktres na si Joyce Jimenez

 

Photo from: Paul Ely Egbalic

Noong dekada 90 isa sa mga naging pantasya ng bayan si  Joycce Herrin Reintegrado Eglabic aka Joyce Jimenez, hindi maitatanggi ang kaseksihan at kagandahang dala ng aktres sa ating mga manonood, ang iba pa sa kaniyang mga taga hanga ay sinasambit na Diyosa ito ng kagandahan, kahit ilang taon na ang lumipas hindi maitatanggi ang naging ambag ng aktres sa larangan ng showbiz dito sa ating bansa.

 

Photo from: Paul Ely Egbalic

Si Joyce Jimenez ay isinilang sa  Los Angeles, California noong March 21, 1978 parehong migrante ang kaniyang magulang sa nasabing bansa. Doon na ito lumaki at nag-aral sa Bishop Amat Highschool, sa hindi kalaunan ay nag pasya itong umuwi ng Pilipinas.

 

Hindi paman ito ganap na artista, marami naring patimpalak na sinalihan ito bago mapasok sa mundo ng showbiz, malimit makita si Joyce na sumali sa mga beauty pageants. Hanggang sa di kalaunay nadiskubre siya at nag sunod sunod ang kaniyang mga proyekto  at mga endorsement na natatanggap galing sa mga sponsors.

Isa sa pinaka taniyag na naging palabas ng aktres ay ang pelikulang scorpio nights 2 na pinag bibidahan nila Albert Martinez, Joyce Jimenez, Daisy Reyes at marami pang iba. Marami naring naging proyekto ang aktres simula nong pasukin nito ang pagiging artista, at dahil sa taglay na ganda ng aktres ay marami narin itong nakatambal na mga nag guguwapuhang mga leading man.

Bagamat nakakalungkot man kung iisipin, iniwan din ni Joyce ang mundo ng showbiz upang mag karoon ng tahimik na buhay at makapag focus ito sa kaniyang binubuong pamilya, taong 2008 ng ito'y mag pasyang tumigil na sa kaniyang pag-aartista.

 

Nawala man sa mundo ng showbiz si Joyce, masaya naman itong nag pakasal sa kaniyang Half Filipino-American na asawa na si Paul Ely Eglabic at hindi lang ito simpleng mamamayan sa Amerika, kundi si Paul ay isang miyembro ng airforce sa Amerika.

Photo from: Paul Ely Egbalic

Kaunting kaalaman lang patungkol kay Paul, si Paul ay ipinanganak dito sa Pilipinas sa Quezon City,  at dahil nga isang US navy rin ang ama nito napilitan silang mag migrate sa Amerika at doon narin manirahan habang ito ay 4 na taong gulang pa lamang.

 

Photo from: Paul Ely Egbalic

Naging makulay ang pag sasamahan nina Joyce at Paul, nag bunga ang kanilang pag mamahalan ng 3 mapag mahal na anak na sina Jorja Ely, Jansen Elise at Julian Elysson.

 

Hindi na bago sa mga artista na habang kasagsagan pa ng kanilang karera ay nag iinvest na ito sa mga Negosyo, sapagkat alam nila sa sarili nila na hindi nila alam kung hanggang kailan sila tatagal sa mundo ng showbiz, at ganon rin si Joyce habang siya’y nag aartista pa lamang nakapag pundar ito ng mga Negosyo na hanggang ngayon ay kaniya paring inaasikaso.

 

Kahit na wala na ang akrtes sa mundo ng showbiz nananatiling alala para sa kaniyang mga taga hanga ang kaniyag iniwang alala sa kaniyang pagiging aktres. Labis man na ikinalungkot ng kaniyang mga taga subaybay ang kaniyang pag tigil sa pag aartista, iginalang parin ng kaniyang mga taga hanga ang kaniyang desisyon na mag karoon ng pribadong buhay kasama ang Pamilya.

 

Comments