Silipin natin ang magandang buhay ng sikat na child actress noon na si Serena Dalrymple simula nang iwan niya ang showbiz!

 

Natatandaan niyo pa ba ang child star na aktres na si Serena Dalrymple? Isa siya sa pinaka sikat na child start noong dekada 90. Asan na ba siya ngayon? Marahil marami ang nag tataka bakit hindi na lumlabas sa telebisyon ang noon ay sikat na child actress.

Photo from: Serena Dalrymple

Hindi na bago sa showbiz na bigla nalang iiwan ng isang sikat na aktres o actor ang karera nito sa mundo ng showbiz, para mag karoon ng pribadong buhay at sumubok ng ibang career sa labas ng showbiz.

At isa na sa mga ito ay ang dating sikat na Child Star na si Serena Dalrymple, maraming naiambag na magagandang pelikula ang child actress noong kasagsagan nito sa pag aartista, kung saan nakasama niya ang mga bigating pangalan noon sa industriya.

Photo from:Serena Dalrymple


Dala nang kaniyang kabibohan, kakulitan at kagalingan sa pag arte maraming taga subaybay ang laging pinapanood ang kaniyang mga pelikula.

Narito ang ilan sa mga pelikulang pinasikat ng Chid Actress:  Ang tanging ina, Tong tatlong tatay kong pakitong kitong at marami pang iba.

Pero ang pinaka tumatak sa kaniyang mga ginampanang pelikula ay ang palabas na Bata Bata paano ka ginawa, na kung saan nakasama niya rito ang sikat na sikat na si Vilma Santos. Sa pelikulang ito tumatak ang pangalan ng aktres.

Photo from:Serena Dalrymple


Maliban sa pag gawa ng pelikula ay nag karoon din ito ng commercial sa isang sikat na kainan sa Pilipinas, mapabata o mapamatanda ay lagi itong simasambait pag nakikita ang sikat na kainan na ito “isa pa, isa pa, isa pang chicken joy”.

Ngunit hindi nag tagal mas pinili ng aktres na iwanan ang kaniyang karera sa pag arte at ginawang prayoridad ang kaniyang pag-aaral. Hindi man natin nasubaybayan ang kaniyang buhay naging maganda naman ang resulta ng kaniyang buhay matapos na iwanan ang showbiz.

Si Serena ay naninirahan ngayon sa bansang Amerika na kung saan ay dito niya pinagpatuloy ang kaniyang pangarap. Kahit na hindi na ito artista napag tagumpayan parin nito ang inaasam asam na plano sa buhay.

Sa pag layo niya sa kaniyang nakasanayang buhay nong ito ay nasa Pilipinas pa, pilit na nag sumikap ito para marating ang kaniyang mga inaasam, kaya naman noong taong 2016 ay na promote agad ito sa kaniyang pinag tatrabahuan, nag tatrabaho lang naman ito sa isang broadcasting and cable company na rank 6 sa buong mundo.


Photo from:Serena Dalrymple

Hindi man madali ang pag iwan nito sa kaniyang unang karera, naging matagumpay naman ito sa kaniyang bagong buhay na tinatahak ngayon at take note, hindi lang sa karera makulay ang buhay ng dating child actress, pati narin sa usaping pag-ibig. Anlaki ng pinag bago ng child actress kung ikukumpara mo ito noong una natin siyang nakita sa telebisyon.

Sa isang social media account naman ni Serena ay makikita na in relationship na ito sa isang foreigner, masaya na ito sa kaniyang buhay na tinatahak, at kahit na iniwan niya ang showbiz, walang dapat ikasisi si Serena sa tagumpay na tinatamasa niya ngayon.

Comments