Sinampay na gawa sa pera para kay Misis!

 

Photo from sanchickz TikTok video

     Viral ngayon sa Social Media ang effort ng isang lalake para sa kanilang 13th Wedding Anniversary ng kaniyang asawa. Ginawang kakaiba ni Mister ang kaniyang pakulo para maging memorable ang kanilang Anibersaryo.
 
    May iba’t ibang paraan ang pa surpresa ng bawat indibidwal sa atin. Ngunit ang effort sa pag gawa ng Mister na ito ay kakaiba na kaniyang vinideohan at inupload sa tiktok. Bigla namang nag viral ang video ng mag asawa na kinagiliwan ng karamihan.

Shinare ni Sanchickz sa TikTok kung pano niya ginawa ang Sinampay na Kumot na gawa sa 1000 pesos na kung susumahin ay aabot sa Dalawang daang libong piso . Sinampay na kumot ang kaniyang naisip upang mas lalo itong maging effective sa prank na kaniyang gagawin sa kaniyang asawa.

Giit ni Sanchickz maliit na halaga lang ang Dalawang Daang Libong Piso para sa sakripisyo at pag mamahal na ibinibigay ng kaniyang asawa para sa kanilang pamilya.

Photo form sanchickz TikTok video

 

“Iba talaga kapag ikaw gumawa eh, effort. Mahal naten eh. Nanakit nga likod ko but ok lang para naman sa mahal ko” dagdag ni Sanchickz

Makikita sa video na tila minamadali ni Mister ang kaniyang Misis na kunin sa sampayan ang mga labahan dahil itoy mauulanan at mababasa. Aniya ng Mister “Beh yung sinampay mo naulan”.

Agad agaran namang umakyat ang kaniyang asawa sa Terasa sa taas ng bahay.Upang kunin ang mga sinampay nito. Makikita rin sa video na katatapos lang maligo ng kaniyang asawa nang ito ay kaniyang tinawag. Papaakyat palang ang kaniyang Misis napansin agad nito na nag vivideo ang  kaniyang Mister at bahagyang napangiti ito.

Nasurpresa at natuwa ang kaniyang Misis ng makita ang kumot na gawa sa pera na nakasampay sa kanilang sampayan. Habang nakangiti ang kaniyang asawa pabirong sinabi ng kanyang Asawa kung saan niya ilalagay ang pera. Sinagot naman ito ni Mister na idamit mo nalang habang sila ay nag tatawanan.

Dapat pala ang surpresang ito ay kinabukasan niya pa isasaktuparan. Ang balak niya sana ay ikukumot niya ito sa kaniyang asawa habang ito ay tulog pa. Ngunit dahil sa sobrang pag ka excite nakaisip siya ng ibang paraan para surpresahin ang kaniyang Misis. Dito niya na naisipang isampay ang kumot na gawa sa pera na dapat ikukumot niya habang tulog pa ang kaniyang Misis..

Maraming mga kababayan nating mga Misis ang natuwa sa Viral Video na ito . Ang iba tinag pa ang kanilang mga asawa at sabay hirit na sana may ganitong pa surpresa din para sa kanila.

Inulan ng samut saring kumento ang video dahilan para maging Viral ang TikTok video na ito. Karamihan sa mga komento ay Goodvibes at mga tag ng mga maybahay sa kanilang mga Mister!

 

Dito natin masasabi na pag mahal mo Pag effortan mo!

Nkaka Goodvibes ang hatid ng mag asawang ito sa atin.

Post a Comment

0 Comments

Contact Us

Name

Email *

Message *

Blog Archive

Search This Blog