Viral ngayon ang isang estudyante na nakukuha pang gumawa ng assignment habang ito ay namamasada!

 

Photo from: Google


Sa kahirapan na hinaharap ngayon ng ating henerasyon, hindi mo na alam kung san patutungo ang kapalaran mo sa hinaharap, sa dami ng problema na halos mag patong patong na at dagdagan pa ng pandemya na ating kinakaharap.

Ngayon labanan nalang ng diskarte, pag sisikap at determinasyon ang makakapa pa angat sa atin. Kung kaya’t ang ibang mga kabataan na kahit nag-aaral ay nakukuha naring mag trabaho para lang sila ay makapagtapos.

Tunghayan natin ang kuwento ni Michael Jabal isang 21 isang taong gulang at isang tricycle driver.

Tunay ngang pag ikaw ay may pangarap, walang makakahadlang sa atin kahit anong pag subok ang dumating sa ating buhay.

Si kuwentong ito ni Michael Jabal, maraming mga netizens ang namangha sa kaniyang dedikasyon na mkapag tapos sa kaniyang pag-aaral, sapagkat kahit na ito ay namamasada ng tricycle kapag wala itong pasahero nakukuha pa nitong saglitan ang kaniyang pag-aaral.

Sa tulong ni Markiel Monreal isang MMDA Traffic enforcer, nag viral ang video na kaniyang inupload sa social media habang kinukuhaan nito si Michael na sinasagutan ang kaniyang takdang aralin.

Labis na napamangha ni Michael ang traffic enforcer, na kahit na ito ay namamsada nagawa parin nitong bigyang pansin ang kaniyang pag-aaral.

Biniro pa nga daw ito ng traffic enforcer na parang mag papataya raw kamo ito, at dali dalian naman itong sinagot ni Michael na “hindi, online to, gagawa ako ng assignment”.

Nagawa rin umanong iupload ito ni Monreal, dahil sa pag hanga nito sa bata, dahilan nito ay sa kabila raw kasi ng kahirapan na nararansasan sa buhay ay nagagawa parin nito na pag sabayin ang kaniyang online class at pag hahanap buhay.

Kuwento rin ni Michael sa interview sa kaniya ng isang sikat na TV network sa ating bansa, na kahit sa araw ito ay namamasada, sinagot rin nito ang tanong na pano kung may klase na ito habang siya ay namamasada, sinagot niya rin ito na “ dirediretso lang po mam, na habang nag kaklase ito ay tuloy tuloy parin ang kaniyang pamamasada.At kung may time lang na walang pasahero doon niya lang sinasagutan ang kaniyang mga takdang aralin.

Naikuwento rin dito ni Michael na 200 Pesos lang minsan ang kinikita nito sa hanggang gabi nito na pamamsada, dahil nga apektado ang kanilang kita sa pandemya na ating tinatamasa, at mag isa nalang rin niyang binubuhay at pinag-aaral ang sarili. Sa kadahilanang may edad na ang kaniyang mga magulang at nasa malayong probinsya ang mga ito.

Umaasa rin si Michael na mag bubunga ang kaniyang mga pagsisikap at pag sasakripisyo, dahil pangarap nitong maging isang Pulis o hindi kaya’y maging isang sundalo.

Hindi lahat ng kabataan ay pinapalad na mapag aral ng kanilang mga magulang, may ibang kabataan na nakakapag-aral dahil tinutulungan ang mga ito hindi kaya ay sinusuportahan nalang nila ang kanilang sarili para sila ay makapag-aral.

Kaya sa mga kabataan na hindi nakakapag-aral, maging inspirasyon sana si Michael sa inyong lahat. Walang imposible kung tayo ay may pangarap!

 

Post a Comment

0 Comments

Contact Us

Name

Email *

Message *

Blog Archive

Search This Blog