Viral ngayon ang isang security guard na nag mistulang titser sa mga batang kalye!

    Hindi parin talaga mawawala sa kulutura ng ating bansa ang pagiging matulungin sa kapwa. Na kahit anong hirap ng pamumuhay na dinadanas ay nagagawa paring tumulong sa mga nangangailangan, maging ito’y malaki o maliit man.

Photo from: Google


    Naging usap usapan sa social media kamakailan lang ang larawang ng isang security guard na kung saan ay makikita ang pag mamalasakit nito sa mga batang kalye.

    Marami ngayon ang humahanga sa security guard na si Rene Abelita dahil sa kaniyang kabutihang loob sa pag tuturo sa mga batang kalye. 

    Kung pag mamasdang ng mabuti ang larawan makikitang si Abelita ay naka uniporme pa at naka upo sa kaniyang puwesto, kahit na abala ang sekyu sa kaniyang pag guguwardiya sa naturang establishemento, nakahanap parin ito ng paraan upang matulungan ang isang bata na maturuan na mag basa at mag sulat.

Si Abelita ay nag duduty sa Palawan Pawnshop malapit sa Arellano University sa manila.

    Ayon naman sa netizen na si John Robert Flores na siyang kumuha ng larawan ng nag viral na picture ng sekyu, sa laging pag daan niya sa kung saan nag duduty ang sekyu, lagi niyang nakikita si Abelita na tinuturuan ang mga bata.

Photo from: Google


    Ngunit ng mga oras na kunan niya ito ng larawan iisang bata lang ang naaktuhan niyang tinuturuan ni Rene. 

    “Nakakaproud lang kasi kahit di nya kaano-ano, but still tinuruan nya parin kasi may busilak siyang puso ❤. I salute you Kuyang SG, sana patuloy ka parin bigyan ng blessings ni Lord dahil sa mabuting at busilak kang puso para matulungan ang batang yan.”- John Robert Flores

    Ang trabaho ng isang security guard ay hindi isang madaling trabaho, marami ng napahamak sa ganitong uri ng trabaho, bukod na sa nakatayo o nakaupo ka lang palagi, kailangan mo ring pangalagaan ang mga nag tatrabaho sa iyong nasasakupan.

    Inulan ng mga positibong komento ang kabayanihang ginawa ni Rene, kung saan piupuri siya ng mga tao sa kaniyang kabutihang loob na ipinamalas.

Narito ang ilan sa mga komento”

“Yan ang good example ng taong may concern sa lipunan may nagagawa sa mga oras nya walang sayang na oras sa kanya god bless kuya keep it on”

“I salute you sir! How I wish 🙏 you could finish a course in education. Not all have the gift to teach. Needs lots of patience.”

“Thank you for your kind deeds and patience in instructing these street kids. These kids will not only learn but will always remember this wonderful privilege

And possibly do the same thing when they grow up.God bless and more power to you.”

    Talaga namang nakakaproud ang ginawang ito ng sekyu, kasi kung tutuusin malaking tulong ito sa mga batang kalye na kaniyang naturuan, magagamit ito ng mga bata sa kanilang pag tanda at hindi natin alam isa ito sa maging susi ng pag-angat nila sa buhay. 


Comments