Viral ngayon ang post ng isang guro na sinuong ang malakas na ulan at maputik na daan para lamang makapasok at makagawa ng module sa kanilang paaralan!

 

Bilang isang guro hindi madali ang pinag dadaanan ng mga ito lalo na kung sila ay nadestino sa mga mahihirap pasukin na lugar, dito maari nilang maranasan na sumuong sa baha at dumaan sa maputik na daanan, kaya naman ang sakripisyo ng isang guro para lamang makapag turo sa kanilang mga estudyante ay hindi natin dapat baliwalain. Kung tayo nga ay nahihirapan na disiplinahin ang ating mga anak, ano nalang kaya ang mga guro, na halos sabay sabay na dinisiplina ang kanilang mga nasasakupang estudyante.

Photo from: Michelle Buquiran-Miguel


Taon taon nating pinag diriwang ang Araw ng mga Guro, at hindi makakaila ay isa sila sa mga bayani ng ating bansa, sapagkat sila ang nag tuturo sa ating mga anak para ang ito ay maging mga edukado.

Photo from: Michelle Buquiran-Miguel


At dahil nga ang ating topic ngayon ay tungkol sa mga guro nag VIRAL  kamakailan lang ang isang guro na sinuong ang malakas na ulan at maputik na daan para lamang makapasok sa kaniyang tinuturuang paaralan ito ay sa Sarangani, South Cotabato.

Photo from: Michelle Buquiran-Miguel

Photo from: Michelle Buquiran-Miguel


Kilalanin natin si Teacher Michelle Buquiran-Miguel, ibinahagi niya sa kaniyang social media post ang kaniyang naging karanasan papasok sa kaniyang pinpasukang paaralan. Kung saan makikita natin sa mga litrato na talagang napakaputik ang daan at napakadelikado nito lalo na’t siya ay nag momotor.

Bilang isang guro pinatunayan ni Ma’am Michelle na hindi naging hadlang ang sama ng panahon at maputik na daaan para lamang ito ay makapasok at makagawa ng mga modules. Kaya niya ito nagawa ay sa kadahilanang mas mahalaga sa kaniya na magampanan ang tungkulin ng isang guro at matapos ang kanilang gawain para sa Programa ng DepEd na Balik Eskuwela.

Photo from: Michelle Buquiran-Miguel


At dahil nga masungit ang panahon ng makakita silang pag sisilungan ay agad agad namang chineck ni Ma’am Michelle ang kaniyang dalang laptop na halos nabasa narin ng ulan, at kahit na ganito na nga ang kinahantungan nila ng mga kasama niyang guro, naka ngiti parin ito na tila ba hindi niya talaga alintala ang nangyari sa kanila.

Kahit na ganito ang pinag daanan nila Mam Michella kasama ng kaniyang mga katrabaho na Guro, isa itong charge to experience kung tutuusin, at ang katumbas naman ng kanilang pag sasakripisyo ay para sa kinabukasan ng mga mag-aaral.

Photo from: Michelle Buquiran-Miguel


Hindi lamang sila Mam Michelle ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon, marami rin sa ating mga kaguruan ang nakakranas ng mga ganitong senaryo lalo na pag sumasapit na ang buwan ng tag ulan. May ibang teacher na nadidisgrasya at kung minsan hindi na makapasok sa kanilang pinapasukan kung malakas ang ulan, ang iba naman kung minsan pag inabutan ng bagyo at nasa paaralan na sila, hindi naman sila makauwi sa kadahilanang hindi pa tumitigil ang ulan at hindi rin humuhupa ang baha.

Photo from: Michelle Buquiran-Miguel


Kaya sa post na ito ni Titser Michelle ay maraming netizens ang napahanga sa kanilang determinasyon na suungin ang malakas na ulan at maputik na daan. Talaga namang nakakahanga ang kanilang ginawa para lamang magampanan ang kanilang tungkulin.

Kaya sa ating mga estudyante, galangin natin ang ating mga guro, kahit na minsan ay nagagalit sila sa klase, normal lang iyon, isipin din natin ang sakripisyo na kanilang tinatamas para lamang tayo ay maturuan.

Post a Comment

0 Comments

Contact Us

Name

Email *

Message *

Blog Archive

Search This Blog