Zeinab may panibagong milestone sa youtube. 11M subsciber na mga ka Zebbies!!

 
Photo from Zeinab Harake's official facebook page

    Isa lang ang lagi niyong sasabihin! ARAT na! Isa sa pinaka sikat na kataga na kapag narinig mo ay maalala mo ang  YouTube vlogger na si Zeinab.

Photo from Zeinab Harake's official facebook page


    Si Zeinab Mohamad Ocampo Harake o mas kilala nating sa tawag na Zeinab ay nag celebrate ng kaniyanng panibagong milestone sa youtube. Umabot na sa 11 Million ang mga subscriber ng content creator sa  youtube. Dahilan upang itoy mag diwang. 

Isa si Zeinab sa mga highest paid blogger dito sa Pilipinas.

    Bilang pag tanaw niya sa mga biyayang natanggap niya sa kaniyang karera sa pagiging content creator. Sinuklian ito ni Zeinab sa pamamagitang ng pag bigay ng tulong sa mga batang may sakit sa Child Haus.


    Naisip itong gawin ni Zeinab sa kadahilanang isa rin siyang Ina at kahit papaano e maibsan ang dinadalang sakitng mga ito.



Photo from Zeinab Harake's official facebook page


    Naikwento rin ni Zeinab na dapat noong 8 million subscribers pa lamang siya sa YouTube ginawa niya ito. Pero sa kadahilanang mahigpit ang lockdown noon hindi naituloy ang plano niyang mag celebrate kasama ang mga bata.


    Pero ngayong may panibagong milestone sa career ang vlogger, kahit na mahigpit parin ang protocol sa Pilipinas ginawan niya ito ng paraan upang maidaos ang kaniyang event. Si Zeinab at ang kaniyang team ay nag pa swab test at negatibo naman ang kanilang resulta. Ito ay upang sigraduhin ang kapakanan ng mga batang bibigyan niya ng tulong.

 



    Sa naturang content ni Zeinab sila ng kaniyang team ay nag grocery upang impamigay sa kaniyang Gift giving.

    Dito nag pakain at namigay ng mga laruan at ibang personal needs ng mga bata ang content creator.
 

    Hindi makakaila ang saya ng mga bata sa mga regalong natanggap nila mula kay Zeinab. Lahat din sila ay binigyan ng  tig iisang Ipad Mini galing sa Brilliant CEO na si Maam Glenda Victorio.

    Bilang pasasalamat sa tulong na ibinigay ni Zeinab nag handa ang mga bata ng munting handog para sa kaniya.



Photo from Zeinab Harake's official facebook page

    Giit pa ng content creator na Sobrang Worth it ang ginawa niyang pag tulong sa mga bata at kapag nakikita niya ang mga ngiti ng mga ito ay sobrang sarap sa puso. Hindi narin maitatanggi na naadopt na ni Zeinab ang  pag uugali ng isang ina na kung saan grabe ang concern niya sa mga ito.


    Sa huling parte ng content nito. Ito'y nag pasalamat sa Panginoon at sa kaniyang mga subscriber.
-Gaya nga ng sinabi ko hindi ko siya ganon pinangarap pero ito yung binigay ni God, and sobra sobra to sa pinangarap ko ng buhay. - Zeinab


Photo from Zeinab Harake's official facebook page


    Dito rin makikita na nag photo shoot si Zeinab kasama si Baby Bia anak nila ni Daryl o mas kilala sa tawag na Skusta Clee na miyembro ng grupong Ex-batallion.

Tunay ngang kapag ika'y lubos na pinagpapala ipamahagi mo rin ito sa mga nangangailangan.




Comments