Sa atin sa Pilipinas ay hindi na bago ang makakita
tayo ng bridal car na ginagamit kapag merong kasalang nagaganap. Pero nitong
kamakailan lamang ay kumalat sa social media ang letrato ng bagong kasal na
hindi bridal car ang sinakyan nila sa araw ng kanilang kasal, kung saan nga ang
mga ito ay nakasakay sa isang balsa.
Photo from: Google |
Kapag tayo ay dumadalo sa isang kasalan, pag
katapos na pag katapos ng seremonya at maideklara ng kasal ang mag irog, ay
hindi na bago sa atin na gamitin ng mag asawa ang magarang bridal car papunta
sa reception ng kanilang kasal.
Ngunit nakakbilib ang kakaibang bridal kalabaw
na ginamit ng bagong kasal na sina Wenefredo Mantillano at Mary Ann
Amata-Mantillano, dahil nga isang balsa ang ginamit nila sa araw ng kanilang
kasal, bukod sa nakatipid na ang mga ito, nag bigay ng kakaibang estilo ang mga
ito sa mga ibang kinasal.
![]() |
Photo from: Google |
Saad namang ng bagong kasal, kaya nila naisipan
na ito ang gamitin para sa kanilang kasal ay dahil nga sa maputik na daan dala
ng malakas na ulan.
Ang kalabaw na ginamit ng bagong kasal ay pag
mamay ari ng ama ni Wenefredo, ang kalabaw na ito ay siyang ginagamit nila sa
kanilang palayan. Kung tutuusin sa kanilang ginawa ay napakapraktikal nito. At
ito ay isang magandang unang hakbang sa kanilang pag sasama. At dahil nga hindi
maganda ang daan papunta sa kanilang reception ay mas mainam na ito ang ginamit
nila, bukod sa nakatipid na ang mga ito ay makakaiwas pa sila sa aberya.
Photo From: Google
Ang nag viral na letrato ng magkasintahan na si
Wenefredo at Mary Ann ay kuha ng kaibigan nil ana si Charlene, at maraming mga
kababayan natin ang napabilib at nag pahayag ng kagalakan sa larawan na inupload
ng kanilang kaibigan sa social media.
Kwento dito Si Mary Ann ang childhood sweetheart
ni Wenefredo, kaya naman kung titingnan labis ang kasiyahan ng lalake ng maikasal
na ito sa kaniyang kasintahan.
Photo from: Google
Hindi man ganon kagarbo ang kanilang kasal, ang
masaya at simple na kasalan at puno ng pag mamahalan ay daig pa nito ang gumastos
ng milyong milyong salapi sa kanilang kasal na hindi naman ganoon katapat ang
pag mamahalan at purong pakitang tao lamang ang kinalabasan.
At dahil nga ito ay pumutok at kinagiliwan ng
marami nating kababayan ay umani ito ng napakaraming komento at goodvibes na
pahayag, kung saan marami ang nag karoon ng inspirasyon na hindi naman talaga
kailangan ang magarbong kasalan kung saan kumpleto at maraming magagandang
bagay ang nakapaligid sa iyong kasal. Kahit na simple at hindi ganon ka bongga ang
kasalan mairaraos at mairaraos parin ito, hindi batayan ang pagarbohan ng kasal
sa pag-sasama ninyong mag-asawa.
Kaya sa mga nag babalak mag pakasal diyan,
maging praktikal tayo. Wag nating isipin ang sasabihin ng iba, mas ok na hindi
ganong ka bongga ang kasal kesa naman sa bongga nga hindi naman ganon katatag ang
inyong samahan.
0 Comments