Isang working student na Lady Guard, nakapag tapos ng pag-aaral mula sa sariling sikap!

 

    Sa ating pamumuhay sa ating bansa ay hindi na makakaila ang hirap na dinaranas ng ating mga kababayan. Sa kabila nito meron namang mga taong pinag pala ng lubos at ang iba naman ay lugmok sa kahirapan, may iba namang nakakapag-aral mula sa tulong ng kanilang mga magulang ang iba naman ay kailangan pag sabayin ang kanilang trabaho at ang kanilang pag-aaral para lamang maabot ang kanilang pangarap sa buhay.

Photo from: Google


    At heto nanaman tayo mayroon nanamang isang kababayan natin ang naging inspirasyon sa mga mahihirap nating mga kababayan, na kahit na hikahos sa buhay ay napag tagumpayan niya ito at nakamit ang inaasam asam na pangarap sa buhay.

    Kilalanin natin si Arlyn Ramos 27 years old, isang estudyante na pinag sabay ang kaniyang pag-aaral sa kaniyang trabaho na pag guguwardiya, lady guard si Arlyn sa Bulsu Capture, at kamakailan lang ay natampok ang kaniyang kuwento sa Facebook page ng Bulacan State University.

Photo from: Google


    Makikita sa larawan na post ng BULSU CAPTURE na nakasuot si Arlyn ng kaniyang uniporme sa pag guguwardiya at ang isa namang larawan  ay nakasuot ito ng Toga at hindi naman maitatago ang kasiyahan sa likod ng kaniyang ngiti. Sa facebook post na ito sa taas ng larawan ay maroon itong caption na mensahe galing kay Arlyn.

    “Ako si Arlyn, isang lady guard sa Bulacan State University at ga-graduate na rin ngayon sa kursong BIT Major in Food Service Management at isa ring Dean’s Lister.

    “2016 ng magsimula akong maging isang lady guard at isinabay ko ang aking pag-aaral mula pa taong 2019.

    “Naging inspirasyon ko sa aking pag-aaral ang aking pamilya dahil gusto kong mabigyan ng magandang buhay ang Tatay ko sapagkat kapos kami sa gastusin. “Nagsumikap ako magtrabaho at pagtapusin ang sarili ko.” Saad ni Arlyn.

    At dahil nga isang huwarang anak si Arlyn, kahit na ito ay may mga pangangailangan sa kaniyang pag-aaral dahil nga ito ay isang estudyante, nagagawa parin umanong mag bigay ni Arlyn  ng pera sa kaniyang ama, galing ito sa kita niya sa pag guguwardiya sa nasabing paaralan.

    “Hindi po ganun kalaki ang nabibigay ko sa kanyang pera kasi nahahati sa pag-aaral ko, para sa kanya at sa pangungupahan ko ng bahay” – Saad ni Arlyn sa kaniyang interview sa GMA

    Nasabi rin dito ni Arlyn na pangarap niya pala maging isang Cruise Chief, para mas mapaganda niya ang buhay nilang mag-ama, at dagdag pa nga ni Arlyn na mag antay lang muna ang kaniyang ama na maabot nito ang pangarap sa kanilang dalawa. Upang maibigay ni Arlyn ang mga pangangailangan nito.

“Sa Tatay ko is, ano lang po siya, magtiyaga lang po sa paghihintay sa akin.”

“Sana maibigay ko ang pangangailangan niya talaga. Yung sa kanya lang talaga”, ani Arlyn.

    Sinong hindi mapapahanga sa kabaitan ni Arlyn at kagustuhang maiangat ang estado ng kaniyang pamilya. Maraming netizens ang natuwa sa kuwentong ito ni Arlyn, na kahit mabigat ang binibigay na hamon sa kaniya ng buhay patuloy itong lumaban hanggang sa ito ay kaniyang mapag tagumpayan.

 

 

Post a Comment

0 Comments

Contact Us

Name

Email *

Message *

Blog Archive

Search This Blog